Hook

Their other posts in the index, biggest breakout first.
Its possible, I'm a living proof. Huminto, so ito yung bagong bahay natin, kasi yung pinakita ko sa inyo to talagang wala pa siyang kalaman-laman. Let's go. So ito guys yung garahe natin, pakita ko sa inyo. So kung dati guys, makikita niyo diyan nagco-content lang tayo sa mismong sala namin, yun yung ginawa kong garahe, diyan ako nagco-content, dun ko kino-content yung motor ko. And ngayon may sarili na siyang garahe, may malawak na siyang garahe, and dami-dami pa diyan sa likod. Dito guys may konting halamanan tayo, ayan nagpo-propagate tayo diyan. Ito yung mga tools natin, ayan. Tas yan may mga free sample na naman tayo na dumating. So halos lahat ng nandito sa bahay guys, 90% guys, yung makikita niyo sa bahay na to, talagang lahat galing sa mga sponsors natin, mga free sample ganyan. So ito yung mini kitchen, bar table, tas kaya namin to kinuha kasi high ceiling na siya, ayan oh. 2HP na aircon. Ito naman yung sala guys, ayan, halos lahat ng nandito may free sample din diyan. Ito naman yung center table, maleta yan kasi pamindanao na rin kami. Kasal ng friend ko si Aljo, shoutout sa iyo, tsaka baka doon na kayo mag-celebrate niyo. So dito, sofa bed siya, para pag may bisita pwede rin siyang maging higaan, sala na rin siya at the same time. Tas ayan guys, dito kami madalas mag-chill pag gusto namin medyo Airbnb vibes, may mga board games diyan. Tas ayan medyo na-miss ko mag-aquascape, so ito is sina-cycle pa no. So mga pagbalik siguro namin galing Mindanao, saka na lang lagyan ng isda. Tas ayan yung makikita niyo, madalas diyan parang may ceiling na penthouse siya dun sa taas. Ayan mga gamit natin, free sample. Tas yan may laro ako diyan, mamaya i-explain ko sa inyo ano yan. Dito naman tayo sa office guys. So this is the co-working space no, may apat na table dito no, dalawa sa amin nung partner ko, tas isa sana para sa editor pag may bisita. Kaso siyempre hindi naman laging may editor dito. So ito yung sa partner ko guys, ayan, L-shape siya, sponsored din by Xpanse, shoutout Xpanse. Tas ayan guys, mga standing desk lahat yan. Ayan. Tapos dito rin ako nagwo-workout, this is the working area. So habang nagwo-work ako pwede akong mag-walking session. Ito guys natutunan ko to sa Atomic Habits no, you make those things readily available pag gusto mong ma-build yung habits sa kanya. So every time na nandito ako sa desk na to, automatic alam ko na yun no, mag-i-script ako, magco-content ako. Ayan may mga lightings na kaagad tayo diyan, portable para pwede ko siyang ilipat-lipat ng 3-point lighting system. And siyempre nagco-content ako sa buong bahay natin, so kahit saan diyan pwede tayong mag-content. Pag nagmo-motovlog tayo sa labas or mga adventures, we have a separate camera for that. And ayun basically ito yung working space ko. Pinapalitan ko lang ng upuan pag gusto kong mag-deep work. Yeah we have more shelves here, tripod siyempre. Ayan mga free sample din halos lahat yan, pati yung mga camera, radyo, ayan mga laruan na yan. Then mga pang-workout ni girlfriend. Ako I don't have much weights here kasi nag-gi-gym tayo sa labas. Tas ito naman guys yung pinagkakabalahan ko ngayon, this is my hobby table. Diyan bubuo tayo dito ng mga RC car. Ito yung project car ko recently. And yan yung reason guys bakit may track dito. Diyan ako nagpa-practice maglaro, diyan ako nagdi-drift-drift, at the same time parang semi-carpet na rin siya diba. Tas ayun storage, more free samples. And then dito sa dulo guys may room dito, ginawa na lang namin siyang storage room. So yan yung co-working space namin, enough na enough siya even kapag nagkaroon ng mga bisita dito. So from dating, alam niyo yun parang nag-fe-fail lang ako sa ilalim ng mesa, ngayon may sariling dedicated na tayo na office para sa mga contents natin. Tara, punta naman tayo sa second floor. Nandito sa taas, ito yung masters. Yung ayos ng kama pang-lalaki talaga yan oh. Tapos dito guys sa dulo parang mini walk-in closet, ayan lagayan ng damit namin, CR. Tas ayun guys, usually maraming halaman dito, pero nilabas ko muna since tag-ulan ngayon. Alam niyo na para hindi tayo dilig ng dilig diba. Tapos ayun, we have a dirty kitchen dito sa labas, ayan, yung part na yan, meron din diyan. Tapos nakalimutan ko may CR pa pala dito. So this content is not to brag or flex no, gusto ko lang ipakita talaga sa inyo what's possible pag hindi kayo huminto talaga sa pagco-content niyo. I've been doing this content journey for almost 3 years na, and para sa mga OG followers ko nakita niyo saan tayo nagsimula talaga. Pero may mga comments din kasi tayo recently no, na ganda na kasi ng background ng bahay mo, ganda na ng quality ng camera mo. So alam to ng mga OG followers ko guys no, na talagang nag-start tayo sa talagang malabong camera, sa pangit na background ganyan. Wala pa akong sariling garahe noon para i-content yung motor ko no. Nababash pa nga ako noon dati bakit daw pinapasok ko sa sala yung motor. And ayun, ito na tayo ngayon, kasi nagtiwala tayo na possible siya. So sana burahin niyo na lahat ng limiting beliefs niyo na yun. Start with what you currently have right now, kung anong cellphone, anong camera meron ka, start with that. Once na kumikita ka na you can just upgrade along the way. Actually lahat ng creators guys na sikat, kahit i-scroll down niyo sa pinaka-pinakaunang video nila, mapapansin niyo yan. Sila Cong TV, sila Tito Mikee, nag-start din sa mga webcam na lang yung camera nila eh. Like any other tip, do more of what you're currently doing, kasi the more na post ka lang ng post ng post ng content, and then continuously you learn along the way, ano yung nagwo-work sa hindi. Maabot at maabot mo yung goal na yun. There's no doubt to that, and ilang beses na namin yun na-prove sa mga students namin. So kung napanood mo tong video na to hanggang ngayon, hopefully this is a sign para ituloy-tuloy mo yung pagco-content mo. So that's it for this one lang, marami pa tayong ifi-film bago tayo pumuntang Mindanao. So I'll see you guys on the next one. Peace.