Original caption
Maaaring hindi pa ito ang panahon mo. Baka may mga bagay ka pang kailangang pagdaanan, tiisin, at matutunan bago ka dalhin sa environment na ilang taon mong ipinagdarasal. Ganyan din ang nangyari sa akin. Dumating din ang pagkakataong nahanap ko ang magandang work environment, mababait na katrabaho, at work setup na matagal kong hiniling. Pero bago iyon, may mga sakripisyo, rejections, at mga panahong gusto ko nang sumuko. Kaya kung nasa punto ka ngayon na gusto mong umalis, tanungin mo muna ang sarili mo: Handa ka bang bitawan ang meron ka ngayon at yakapin ang risk ng isang hindi pa tiyak na bukas? Minsan, ang tamang desisyon ay umalis. Minsan naman, ang tamang desisyon ay magtiis muna habang naghahanda. Hindi laging minamadali ang magandang pagkakataon. Kapag handa ka na, darating din ang trabahong hindi mo na kailangang tiisin—kundi maipagmamalaki. Salamat sa company na to, mas mayabang na ko hahahahahah joke lang #techtalks