Original caption
Natulog kasi ako agad after ng class kahapon. Super napagod ang Disney Princess. 😭 7:30–10:30 AM, nag-lab kami (PBS). Before pa niyan, wala na akong tulog kasi nag-review ako for AUBF dahil may quiz kami. Tapos derecho pa ng 1:00–6:00 PM class. After ng quiz, nag-lab ulit kami (Urinalysis). Ending, bumili na lang ako ng KFC (Kanto Fried Chicken) kasi sobrang pagod na ako at wala na akong energy magluto. Pag-uwi, nag-check muna ako ng messages, tapos konting scroll sa TikTok. Ang plano ko sana, matutulog lang until 10:00 PM para mag-review pa sa Bacte. Plot twist: umulan. 😭 Napasarap ang tulog ni ate, tapos nagising na lang ako ng 3:00 AM. Naloka ako kasi ang dami ko pang babasahin sa Bacte. Buti na lang suspended ang classes at hindi natuloy yung quiz. 🥹 Anyway, yun lang. Huwag kalimutang kumain, mag-review, at mag-ingat, everyone! 🤍