Hook
More breakout videos from this creator.
Gusto lamang po naming na-aware ang lahat na nagbebenta ng fake You Glow Babe sunscreen sa halagang 19 pesos bawat isa at sa iba pang mga fake shops katulad sa TikTok, Lazada, at Shopee na nagbebenta ng buy one take one for 60 pesos, 120 pesos for buy one take one, 99 pesos for buy one take one. Kung makikita niyo po, si Queen Cheska Hub Retails ang nagbebenta ng You Glow Babe sunscreen. 100pcs 1999 pesos lang. 19 pesos each. Guys, tingnan niyo naman yung presyo niya. Ang aming pong Beauty White Sunscreen ay 139 pesos po ang isa at dapat meron pong yellow sticker. Kung makikita niyo po, yung isa, walang yellow sticker. So diyan pa lang po fake na po agad ang kanyang Beauty White Sunscreen. Nagko-coordinate na po kami ng aming team sa aming legal council sa mga ganitong mga nagbebenta ng fake You Glow Babe products para po sa inyong safety. Bumili lamang po kayo sa aming authorized seller. Paano ba makakita ng mga authorized seller? Ito po, ipapakita ko po ang website namin. Ito po youglowbabemain.com. Pupunta lang po kayo diyan. Iki-click niyo lang po yan Seller Locator. Tas pag-click niyo po yung area, anong product, at automatic po may lalabas po naming sellers po namin. Pag-click niyo po si Ma'am Karen Grace, makikita niyo po yung kanyang Facebook, Shopee Shop, TikTok Shop, Lazada Shop. Iki-click niyo lang po yan at magdi-direct na po yan sa kanyang shop. So ganun lang po kadali para po malaman ang mga authorized seller namin. Guys, kailangan niyo pong maging maingat po sa pagbili ng mga You Glow Babe products, even po sa ibang brands, grabe na po sila gumawa ng mga fake products. Kaya lagi po kaming nag-a-aware sa inyo ng mga fake shops po na nagbebenta ng fake products. Again guys, wag po kayong malilito sa sobrang murang halaga. Guys, ilalagay niyo po ito sa mukha niyo, ilalagay niyo po sa loob ng katawan niyo like mga supplements, mga capsule. Wag po nating isipin na dahil nakamura tayo eh okay na. Guys, kapag sobrang mura, fake na fake po agad. Again, ang ating Beauty White Sunscreen ay 139 pesos kapag dalawa ang binili niyo, 239 pesos. At dapat po may yellow sticker po kayo makikita doon sa packaging po ng ating You Glow Babe Sunscreen. Ngayon po ay puro sold out na rin po ang aming mga resellers and distributors. Ang aming po restock ay end of September pa. So guys, please po, maging maingat po kayo sa pagbili, mag-message muna kayo sa amin at agad-agad po kami magre-reply sa inyo. Kahit ano pong itanong niyo sa amin kung paano bibili, kung paano makapunta doon sa website na yun, kami po ay sasagot. At sa lahat po ng nagbebenta ng fake, Mahal na Panginoon po ang bahala sa inyo. So ayun guys, thank you everyone. God bless po.