Madami ka bang ginagawa, busy-ing busy pero gusto mong magluto ng masarap? Pues, para sa'yo ang recipe na 'to dahil hindi na 'to ginagamitan ng skill. Isasalang mo lang tapos pwede mo nang iwan pero ang sarap ng kalalabasan. Ito ang adobo na pwede sa tamad. Madali pa 'to sa easy. Tuturuan ka ni Tipsy. Let's go. Yo, welcome to Pimp Your Food. Tulad ng sabi ko, ito nga ang recipe na pwede sa mga busy, no? Kasi isasalang mo lang, okay na. So, meron tayong ditong karne ng baboy. Nag-pitpit ako ng bawang, damihan niyo. Sili, optional. Tapos 'yan, naglagay ako ng dahon ng laurel. Syempre, 'di mawawala ang paminta. Pwede kayong gumamit dito ng crack or pino. Gagamit ako ng asin dito pampaalat, pero pwede kayong gumamit ng anong man trip niyo pampaalat tulad ng patis, toyo, bagoong o ano man. Optional ito, asin na may sili para maanghang ang ating gagawing adobo. Ayan, yes, adobo ang gagawin natin kaya maglalagay tayo ng suka. Ayan, lahat ng ingredients ilalagay na natin diyan at syempre papalabutin. Kailangan natin ng tubig. Ayan, mix lang natin ng mabuti. After natin mahalo, tulad ng sinabi ko, tulad ng pangako ko, isang salang lang 'to. Ayan, isasalang natin 'yan ng may takip sa mahinang apoy. Papalambutin natin 'yan. Ayan, tutuloy natin sa pagluluto hanggang sa lumambot ang karne, matuyo ang tubig at magmantika. Natatawa na ako at ako'y naglalaway. Ang sarap kasi nito. Ayan, kahit hindi niyo 'yan palaging buksan, no? Mas maganda, every 30 minutes niyo i-check. Binubuksan ko lang para makita niyo 'yung progress. Ayan, takpan niyo lang, mahinang kulo hanggang sa lumambot. Ngayon, kapag natuyo 'yung tubig at hindi pa malambot ang karne, walang problema. Dagdag lang kayo ng tubig, tuloy sa pagluluto hanggang sa lumambot. Ito, malambot na 'to at napansin niyo, naglabas na ng mantika. Pero tutuloy pa natin 'yan hanggang sa maprito all sides ng ating karne. Ayan, ang dami ng mantika lumabas. Konti pa, gusto ko mas mapula pa diyan. So, haluin lang natin para 'yung kabilang side naman ang maprito. At ayan, final mukha. Hmm. Nakita niyo naman, naluto na siya sa sarili niyang mantika. Tulad ng sinabi ko, pwedeng hindi asin ang gamitin niyo dito. Pwedeng toyo, patis o kung ano mang pampaalat na trip niyo. And now, look at that. Ang lambot, ang lasa. 'Di ba? Walang effort. Salang, lutuin, buksan, kainan na. Sana subukan niyo 'to. Alam ko ang daming sa atin na wala nang oras magluto, pero ito, subukan niyo. Pwedeng-pwede kahit may ginagawa kayo. 'Di ba? Sana nagustuhan niyo 'to. Maraming salamat sa palagi niyong panonood. Pag-tangkilik, pag-suporta at pag-subaybay. Ako po si Tipsy D. God bless sa inyong lahat. Peace.