Hook
More breakout videos from this creator.
So, kaya inilaglag mo ang baby natin, ganun? Hindi ko inilaglag ang anak natin, nakunan ako! Nakunan? Pinagsabihan ka na nga ng doktor dati na mahina ang kapit ng bata sa'yo, pero anong ginawa mo? Hindi ka nakinig sa akin. Nakiusap na 'ko sa'yo. Nakiusap na nga ako sa'yo na hangga't maaari, huwag ka na munang magtrabaho... pero wala! Anong pinili mo? Mas pinili mo 'yung career mo? Mas pinili mo 'yung trabaho, 'yang b**** career mo! I chose to work para mabigyan ng magandang buhay ang anak natin. Anong buhay? Nasaan na? Huh? Asan na? Meron na nga sana dati. Nasaan na? Wala! Anong buhay ibibigay mo? Wala! Hindi mo alam kung ano 'yung sinasabi mo dahil hindi mo naman pinagdaanan kung ano 'yung pinagdaanan ko. Dahil hindi mo alam kung ano 'yung hirap na pinagpapasa-pasahan ka ng mga kamag-anak mo dahil wala ka nang magulang!