Hindi namin kailangan igatekeep ang favorite hotel namin sa Clark Pampanga. Dahil gusto rin namin maexperience niyo kung gaano kasarap mag-stay dito, especially ngayong Christmas season. A family friendly and kids friendly hotel na maraming activities, free amenities, relaxing comfortable room, limang swimming pool at napakalawak na outdoor area na sigurado maenjoy ng buong family travel. Budol! Eto na yun. Hi mga ka travelers, kung naghahanap kayo ng hotel around Clark Pampanga para sa inyong next family getaway this Christmas season, especially kung gusto niyo ng malapit sa Dinosaurs Island, Clark Safari at Aquaplanet, this hotel is definitely a must try. Sobrang worth it dito, actually pangalawang beses na namin nag-stay dito at gusto pa rin naming balikan. Welcome to The Mansion Boutique Hotel, located ito sa The Villages, Prince Balagtas Avenue, Clark Freeport Zone, Mabalacat Pampanga. Last Halloween dito kami nagbook dahil dito namin piniling i-celebrate ang Halloween with our two kids, kasi alam namin na sulit ang stay dito at sigurado maenjoy namin. Check in time is 3 PM, mabilis lang ang check in process. 1 valid ID lang ang kailangan plus 2,000 pesos security deposit na refundable naman na pag-check out. Pagdating sa lobby simple, malinis at may mga sitting area din kung saan pwedeng umupo habang naghihintay. At isa talaga sa mga nagustuhan namin dito, very friendly at welcoming na mga staff. Ramdam mo talaga ang warm ng hospitality nila. Now punta naman tayo sa room located sa second floor. This time ang binook namin ng one bedroom family suite for 9,096 pesos inclusive na ng taxes and breakfast with pool view. Pagpasok pa lang mapapansin mo na agad na malinis at maayos ang buong room. Meron itong dalawang single beds na malinis at comfortable, family size ref at nice kitchenette na may complimentary coffee and tea. May drinking water din na unlimited at pwede kayong magrefill anytime dahil nasa labas lang ng room ang water dispenser. And of course meron itong strong Wi-Fi connection, aircon, TV with YouTube, body mirror at coffee table. Actually hindi namin inexpect na may separate bedroom pala ang nabook namin kaya sobrang happy namin lalo na yung dalawang kids namin na tuwang-tuwa rin sila. Eto naman ang separate bedroom, meron itong one king size bed na super comfy talaga. Ang bango ng room pati ng linen, may sarili itong aircon, TV with YouTube, closet with hangers, safety deposit box, laundry bags, slippers at blanket. Punta naman tayo sa bathroom, spacious at malinis din siya at kumpleto na rin ang mga kailangan niyo. May dental kit, hair dryer, hand soap at bath towel. Sa shower area may hot and cold shower at provided na rin ng shampoo, conditioner at body wash. Ang maganda dito may dalawang access door ang bathroom, one from the bedroom and another from the main room. Ito naman ang view sa labas ng room, makikita niyo ang swimming pool at matatanaw din ang napakalawak na outdoor playground at open field ng hotel. And speaking of amenities, ito talaga ang isa sa mga reason kung bakit paulit-ulit naming binabalikan ang The Mansion. Meron silang limang swimming pools na very relaxing, perfect lalo na kapag mainit ang panahon. May pools for kids and adults so both parents and children can enjoy swimming. Hindi heated ang pools pero okay para sa amin ang water temperature. May lifeguard din na nagbabantay at dito rin kukuha ng pool towel. Sa tabi naman ng swimming pool nandito rin ang kanilang inhouse bar, ang Cabana Bar. Pwede kayong umorder ng drinks habang nagrerelex sa pool area. Sobrang relaxing ng ambiance, parang nasa isang resort ka talaga. Meron din silang fitness gym na free gamitin ng hotel guest. Hindi man siya ganun kalaki pero sapat na para makapag workout pa rin kayo kahit nakastaycation. Now punta naman tayo sa favorite ng kids, ang kids playroom. Malawak ang indoor playroom nila at maraming toys and activities na sigurado matutuwa ang mga bata. May books, ball pit at iba't ibang toys at physical activities na pwedeng paglibangan ng mga bata. Ang best part dito unlimited play na at libreng gamitin habang nakastay ka sa hotel. So kahit hindi kayo lumabas hindi talaga mabobored ang mga bata. At hindi lang kids ang may activities dito dahil may game room din para sa adults. Perfect para sa mga parents na gustang mag enjoy at mag unwind and yes libre din gamitin ng hotel guest. And eto pa ang reason kung bakit mas maganda mag stay dito during weekend. Every Friday and Sunday may free movie night sila starting at 6 PM complete with bonfire and free popcorn. Ang saya di ba? Hindi lahat ng hotel may ganitong activity na included sa inyong stay. Perfect bonding activity for the whole family especially kapag gabi na at gusto niyo magrelax sa outdoor. Let's talk about breakfast, meron silang inhouse restaurant called Sunset Grill where they serve meals and breakfast until dinner. Masarap ang food nila at generous din ang serving and yes buffet ang breakfast namin during our stay. Ang daming food choices, may main dishes, pasta, soup, fruits, salads, bread, coffee and juice. Special mention din sa mga Kids Corner nila para mas maenjoy ng mga bata ang breakfast. May cereal, fruits and different kind of sweets. Meron din silang egg and bacon station kung saan pwede kayong magpaluto ng egg base sa preferred style niyo. Sobrang naenjoy namin ang breakfast, sulit na sulit and very accomodating ng mga staff. After namin magbreakfast syempre sinulit namin ang stay namin dito. Naglaro ang mga kids sa napakalawak na outdoor playground. Maraming pwedeng gawin at laruin dito, may trampoline, slide, swing, mini golf, mini bowling at marami pang iba. Isa rin sa mga nagustuhan namin dito ay ang malaking open field, perfect siya kung gusto niyo mag jogging, magwalking or simply enjoy the fresh air. And here's another fun activity na ginawa namin together as family, ang magbike. Ang sarap mag ikot dito dahil sobrang laki ng area, you can really enjoy exploring the place habang nagbabonding with your family. May go kart activity din sila na pwede niyong itry, isa ito sa mga bagong activities na available dito. At hindi pa diyan nagtatapos ang activities, may half court basketball din sila na located sa The Villages at may tennis court din sila na pwedeng gamitin, wag dala lang kayo ng sarili niyong equipment. Pwede rin kayong maglaro ng mini football or soccer dahil may available balls sa reception area. Kung gusto niyo naman ng extra relaxation may massage service din sila. Sa totoo lang sa sobrang daming pwedeng gawin dito sa The Mansion parang kulang pa ang one day stay para maenjoy at masulit lahat ng activities and amenities. And the best part, most of these activities and amenities are free for hotel guests. Kaya naman highly recommended talaga namin ang hotel na to especially for families with kids. Overall sobrang naenjoy namin ang second stay namin dito, sulit ang room, masarap ang breakfast, maraming activities at higit sa lahat maraming bonding moments. So kung naghahanap kayo ng family friendly staycation around Clark Pampanga na sigurado maenjoy ng parents and kids, you might want to consider The Mansion Boutique Hotel. Pwede niyo to mabook sa Agoda app and don't forget to use promo code CHEFAMAGODA para makakuha kayo ng up to 10% OFF sa booking niyo. Happy stay mga katravels. Kung nagustuhan niyo tong video na to, don't forget to like, share and follow niyo pa ang CheFamilyTravel para sa mas marami pang travel budol blog. Thank you for watching mga katravels, bye.