3.4Mviews185×
Posted Nov 8, 2026
GAMITIN ANG PAYONG PARA HINDI MABASA ❌ I-PLASTIC ANG PAYONG PARA HINDI MABASA ✅ "Baka kalawangin." Ito raw ang naging rason ng 5-anyos na anak ni YouScooper Dave Christian Rivales nang umuwing basang-basa galing sa simbahan noong June 13. Magkasama umano ang magkapatid na David Francis at Dave Francisco, edad 8 at 5 na sumimba kasama ng kanilang lola nang biglang bumuhos ang ulan. Ngunit nang umuwi ang dalawa, basang-basa ang mga ito at hindi ginamit ang ipinadalang payong ng ama. "Pinagdala ko po sila ng payong kasi makulimlim, tapos nagulat po ako nang pag-uwi nila, basang-basa sila ng ulan nagalit po ako kaya totoo po 'yung hindi nila ginamit ang payong para maingatan," saad ng ni YouScooper Dave. Ilang netizens naman ang naka-relate raw sa pangangatwiran ng mga bata. "Kakalawangin nga naman daw po kapag nabasa," komento ng isang netizen. Ganito rin ba mangatwiran ang mga anak o pamangkin ninyo, mga Kapuso? #YouScoop Courtesy: YouScooper Dave Christian Rivales