Ano nga ba ang magandang ibenta kung ikaw mismo ay gustong magsimula ng negosyo? Hello po mga madam ko, ako po si Miss Isa, isang simple at totoong negosyante. Gumagawa po ako ng mga valuable content para tulungan hilain ang mga kapwa kong maliliit na negosyante na nagsisimula pa lang dito sa larangan ng pagnenegosyo. Common question mga madam, ano ba ang magandang ibenta? Ano bang trending product ngayon? Ano bang magandang negosyo? Ganito yan kaya ka na overwhelmed kaya hindi mo makapagsimula ng negosyo. Kaya hindi mo mahanap-hanap yung the best na product kasi mali po ang tanong eto. Dapat ang tamang para mahanap mo kung ano yung the best na negosyong para sayo. Dalawang tamang tanong lang 'to mga madam. Pag nasagot mo, kaya mo nang magsimula ng negosyo anytime. Number 1, kaya at gusto mong ibenta. We are keep on searching magandang product, kung ano yung trending ngayon, ano yung magandang negosyo. Pero nakakalimutan nating tanungin yung sarili natin kung ano ba yung gusto mo at kaya mong ibenta. Gusto mo ganito? Naniniwala ako mga madam, kapag nakakarelate ka sa paninda mo, kaya mo yang ibenta madali para sayong imarket yan. Maging matumal man magkaroon ka man ng maraming kakompetensya, ididispose mo at ididispose mo yan, mabebenta at mapapauubos mo yan. Mahirap kasi magsimula ng negosyo mga madam na nakita mo lang online na viral na sikat. Ito best example, viral ang pagbebenta ng swimsuit kapag summer tapos summer mo gustong mag-start ng negosyo. Yun ang patok na product, yun ang patok na product sa panahon na yun. Ikaw na gustong magsimula ng negosyo, hindi ka naman nagsusuot ng swimsuit, conservative kang tao. Kung ikaw mismo hindi ka nagsusuot ng swimsuit, tapos pinilit mo yung sarili mo dahil yun ang in demand ngayon, mahihirapan ka. Hindi mo alam paano imarket yun, hindi mo rin na-appreciate yung product kasi ikaw mismo hindi nagsusuot nun. So importante na ikaw na gustong magsimula ng negosyo, tama ang unang tanong. Darating din naman ang panahon mga madam na magbebenta ka na ng product na hinahanap sayo mismo ng customer ang importante lang sa pagsisimula, gusto mo at alam mo ang produktong ibebenta mo para makarelate ka para mamarket mo ng maayos. 'Di ba? Oh, i-comment mo nga diyan sa comment section kung may natutunan ka. Pangalawang tanong ano ba yung negosyo na kaya ng puhunan/budget ko? Kaya ng puhunan ko. Ganito yan. Since napaka accessible ang social media, marami tayong pwedeng makitang mga ibang negosyo. Halimbawa, ito. Patok na patok ngayon sa social media ang pagbebenta ng mga alahas, gold or silver man yan. Samahan pa natin ng luxury bag, luxury item. Ikaw na gustong magnegosyo ngayon lagi mong nakikita yun and personally mo ring gusto ng ganung negosyo. Ang tanong, kaya ba ng puhunan mo kaya ba ng budget mo kaya? Maraming hindi nakakapagsimula ng negosyo ang lagi ang katwiran, gusto ko sanang magnegosyo kaso wala akong pang puhunan. Maniwala ka sakin, start on what you have. Magsimula ka ng negosyo kung ano lang yung kaya mo. Hindi mo kailangang makipagsabayan, gumaya sa iba kung hindi mo kaya. Dun ka muna sa kaya. Darating din naman ang panahon na mabebenta mo kung ano yung trending kung ano yung napalago mo na yung sinimulan mong negosyo ngayon. Kaya ikaw na nanonood ngayon lagi mong tatandaan kung gusto mong mag-start ng negosyo, dapat tama ang tanong. Ano yung kaya kong simulan? Ano yung gusto kong ibenta? So yun lang mga madam ko, ako po si Miss Isa, ang goal ko po kung bakit ako gumagawa ng mga ganitong valuable content para tayong mga maliliit na negosyante, mga kapwa online sellers or kahit affiliate, maghilahan po tayo pataas. Bye!