Pangalawang technique na ginagawa ko kapag nakakaramdam ako ng katamaran. Basic lang to ulit mga madam ko pero maniwala ka sakin malaking bagay to na teknik para maiwasan or ma-overcome ang pagkatamad. Kasi naniniwala ako na ang katamaran normal siya pero kapag may disiplina kang tao, kahit tinatamad ka, tatrabaho ka. Bago tayo magsimula mga madam ko, ako po muna si Miss ISA, isang simple at totoong negosyante. Gumagawa po ako ng mga ganitong video para tulungan hilain at iangat ang mga kapwa kong maliliit na negosyante na nagsisimula pa lang dito sa larangan ng pagnenegosyo. Negosyante ka man or affiliate para sa'yo 'to. Number 2 na technique na ginagawa ko para maiwasan ang pagkatamad. Ito ay ang dress well technique. Ang dress well technique, di ba basic pero trust me, effective to. Maraming pagkakataon tayo, kasi mga negosyante, or mga gustong magtagumpay sa buhay, wala tayong sinasayang na oras. Kahit ano pa 'yung suot natin, kahit nasaan pa tayo, gamado man tayo or hindi, tatrabaho tayo. Pero pansinin niyo madalas, kapag hindi tayo confident sa sarili natin, ang hirap makatapos ng isang gawain. Madalas mahirap ding makapag-isip ng mga bago at magagandang ideya kapag ramdam natin na hindi tayo ganun ka-confident. Maniwala kayo sakin, hindi rin ako naniniwala dito dati, mga madam. Kasi you know me, na kapag trabaho talaga ako, paggising ko, wala akong ibang gagawin after mag-toothbrush at hilamos, trabaho 'yan. Nakaligo man o wala, tatrabaho ako. Pero nung nalaman ko 'tong technique na 'to, kasi syempre marami ng pagkakataon na nabu-burnout na ako kasi tuloy-tuloy ang trabaho and searching. I keep on searching. 'Yung mga ginagawa ng mga successful people na tao, kapag sila ay nagtatrabaho, at isa sa na-research ko na talagang in-apply ko sa pagnenegosyo. Ito ay ang dress well technique. Mag-ayos ka ng maayos. Hindi kailangang nakadress ka, hindi kailangang naka-formal attire ka. Hindi kailangang bago or branded 'yung suot mo. Ang kailangan lang, maayos. 'Yung komportable ka. 'Yung feeling na kapag suot mo 'yung damit na maganda ka, maayos ka. 'Yun ang punto. Ang dress well technique. Halimbawa, kung komportable ka sa crop top at pants, suotin mo. Promise, kapag confident ka sa suot mo, sa sarili mo, tapos uupo ka sa table at magtatrabaho, mabilis kang makakatapos ng task. Ganun din kapag online seller ka. Kapag alam mo sa sarili mong maayos ka, confident ka sa suot mo. Once naka-on air ka at nag-live ka, mapapansin mo maganda 'yung datingan mo sa live. Maganda 'yung aura mo, confident kang tumayo sa harap ng kamera kasi maayos 'yung suot mo. Ganun din kapag nagtatrabaho sa mga co-affiliate. Pansinin ninyo kapag maayos 'yung suot ninyo, kahit ilang video pa 'yan, go. Pero kapag nakapambahay kayo, tumingin or humarap sa kamera, kaya powerful itong dress well technique. Hindi kailangang bongga. Ang kailangan lang ay maayos. Kaya kung feeling mo ngayon na tinatamad ka, o kaya hindi mo kayang tumapos ng isang task, try mo 'tong gawin. Magbihis ka ng maayos, magpabango ka, mag-make up ka kung mahilig ka sa make up, mag-lipstick ka. Ayusin mo 'yung sarili mo, 'yung buhok mo, mag-ayos ka ng maayos na suot. Maayos na suot. Maniwala ka sakin, makakapag trabaho ka ng maayos. Confident kang tumrabaho ng quality. Kaya dress well bago ka magtrabaho. So 'yun lang mga madam ko. Follow niyo po ako for more TIPS, guide and diskarte dahil ang goal ko po ay maghilahan tayo pataas. Miss ISA mga Madam, isang simple at totoong Negosyante. Bye!