Original caption
Seven years ago, na-hire ako sa isang bangko. Isa sa mga naging benefits noon ay ang mas mabilis na approval ng credit card. Sa totoo lang, na-mismanage ko ang paggamit ko nito. Na-heal ko ang inner child ko sa pagbili ng mga bagay na hindi ko nabibili noon. Nakakabili rin ako ng regalo para sa mga mahal ko sa buhay, at nagagamit ko rin ito para sa mga pangangailangan. Hindi naman puro luho, pero dumating sa punto na lumaki na ang utang ko. Bilang breadwinner, lalo itong naging mahirap. Umabot ako sa punto na natatakot na akong tumingin sa mga SMS at notifications ng statement of account ko. Parang mas pinili ko na lang mag-denial kaysa harapin ang realidad ng pagkakautang ko. Hanggang sa dumating ang turning point ng buhay ko—noong nabuntis ako. Sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko nang harapin at ayusin ang mga utang ko bago ako manganak. Kaya noong March 2025, nag-apply ako sa IDRP. Thankfully, na-approve at na-process naman ito. Nagsimula akong magbayad noong June 2025, at ngayon, nakapag-isang taon na akong tuloy-tuloy sa pagbabayad. Malayo pa, pero malayo na. Hindi pa man tapos ang journey ko, gumagaan na ang pakiramdam ko dahil alam kong darating ang araw na tuluyan ko ring mababayaran ang lahat ng credit card debts ko. Mas natuto rin ako kung paano gamitin nang tama ang credit card at kung gaano kahalaga ang financial discipline. Kung may gusto kayong itanong kung paano ako nag-process at naka-avail ng IDRP, mag-comment lang kayo. At kung sa tingin ninyo ay may makakatulong ito sa iba, paki-share na rin. Hindi pa huli ang lahat para harapin ang mga problema sa utang. Mahirap sa simula, pero mas magaan ang pakiramdam kapag nagsimula kang gumawa ng paraan. #creatorsearchinsights #IDRP #debtfreejourney