Hook
More breakout videos from this creator.
Kung maliit lang din ang space niyo kagaya namin, baka para sa inyo ang video na 'to. Halos pareho lang ng sukat ang aming kitchen at laundry area. Kaya naman sinigurado talaga naming ma-maximize yung space dito sa kitchen. Kami-kami lang din yung nag-design dito kasama yung contractor ko. Dito sa side na 'to ay makikita niyo ang aming kitchen dehumidifier, yung mga tubig, at itong parang malaking iPad. Actually, nakuha ko lang 'to ng libre noong nag-a-affiliate pa ako sa Amerika. Gamit na gamit 'to, especially kapag umaga, kapag nagluluto ako dahil gusto kong may music. Tapos dito rin naka-connect lahat ng CCTV namin. Syempre itong video na 'to ay may kasama ding pambubudol, ano ba kayo? Alam niyo, worth it na may ganito para kapag may tirang chichirya o snacks yung mga bata, eh may ma-sealed mo ulit. At dahil nga maliit lang yung space, talagang sinabihan ko yung contractor ko na gusto ko talaga ng maraming cabinet na kahit gaano pa kataas 'yan, basta maraming storage. Oo, alam ko sasabihin niyo paano ko ba maaabot ang sobrang taas na cabinet na 'yan. Syempre diyan papasok ang aming aesthetic na hagdanan. Gamit na gamit 'yan sa laundry area, dito sa kitchen, at saka sa labas kapag mayroon kaming kailangang isabit sa matataas na parte ng bahay. Sobrang slim nga din nito kapag tinupi mo kaya hindi siya kakain ng maraming space kapag hindi mo na siya ginagamit. Meron din kaming bar counter area dito na hindi pa finalize talaga yung design at kung ano talaga ang ilalagay namin sa part na 'yan. Ako talaga yung tao na gusto ko ay organize lahat mula sa lalagyan ng plato, kutsara, tinidor, seasonings, lahat-lahat. Buti na nga lang talaga yung napangasawa ko eh pareho kami ng personality, gusto namin talaga malinis at organize yung bahay. At alam niyo, itong pagpapa-renovate namin ng kitchen area eh pang-he-heal ko 'to ng inner child. Dahil noong bata ako, gustong-gusto ko talagang ipa-renovate yung kitchen ng nanay ko, pero dahil mahirap ang buhay eh wala akong kakayahan na gawin 'yun. Tandang-tanda ko pa noon kapag bumibisita yung mga kaklase ko sa bahay namin, nahihiya talaga akong ipakita yung kitchen namin. Lalo na noong high school ay nag-aral ako sa private school at medyo may kaya talaga yung mga kaklase ko. Pero buti na lang yung mga bumisita sa bahay eh hindi sila mapang-judge. Tandang-tanda ko pa na isa sa mga kaklase ko eh tinulungan pa ako maghugas ng plato kahit ganoon yung kitchen namin. Ewan ko kung naaalala pa niya, pero hi tets, ingat ka diyan sa Amerika. Gustong-gusto ko talaga yung layout ng kitchen namin dahil kapag nagluluto ako, nandoon na lahat. Konting ikot mo lang sa left or right, front, up and down, ay nandiyan na lahat. Itong ilaw eh na-share ko naman na sa inyo doon sa isa kong vlog. Nag-switch na rin kami dito sa reusable towel. Tapos from this, nagdagdag na lang din kami ng drying rack para kapag after maghugas ng plato eh organize na lahat. O sino ba naman hindi mapapasaya at mapapakanta kung ganito kaganda yung kitchen mo, 'di ba?