Hook
Kitchen appliances for everyday living
More breakout videos from this creator.
Ngayong araw, pinaalis ko na yung roofing dito sa aming laundry area. Oh, makinig muna kayo kung bakit. Ayaw palang sumindin ang ilaw namin dito sa main bedroom, hindi dahil nasira siya kundi inatngat siya ng daga, mga be. Oo, daga. Hindi namin alam kung paano nakapasok sa kisame. Tinry talaga ni kuya na isalba pero hindi na talaga siya gumagana. Ang good news ay hindi naman siya kailangan palitan, kailangan ko lang bumili ng kanyang motor drive para magamit namin siya ulit. Oh, balik tayo sa laundry area. Ito nga pala yung sitwasyon ng aming polycarbonate roofing sa aming laundry area. Hindi ko na talaga siya nilinisan dahil papalitan naman talaga siya. 'Di ba na-share ko sa inyo sa isa kong vlog na merong polycarbonate roofing na may UV protection? Yun na nga ang ipapalit dito sa aming laundry area para hindi ganoon kaliwanag at masakit sa balat yung sikat ng araw, tapos protected pa yung skin from UV rays. At nag-boil na nga muna ako ng kamote para kay Papa J habang binabaklas nila yung lumang roofing. At nabigla nga ako at may Spider-Man na dito sa taas ng bubong. Inihanda ko nga pala sila ng konting meryenda dahil ang init sa taas at mukhang pawis na pawis na sina kuya. At luto na rin pala itong mga kamoteng binoy ko kanina. Nagsaing na rin ako dito sa maliit naming lutuan dahil 1 and a half cup lang naman ang aming nauubos tuwing gabi. So dito na lang ako nagsasaing kaysa naman doon sa malaking rice cooker, tapos ang laki-laki pa ng huhugasan. So heto na nga at ilalagay na yung bago naming roofing. Hindi na siya super clear kagaya ng dati, kulay brown na siya pero transparent at makikita mo pa rin yung nasa taas. Dapat i-make sure lang kapagka may UV protection yung polycarbonate na ilalagay, eh sa tamang side ilalagay yung may UV protection. Oh, narinig niyo si G, ang ingay-ingay na talaga ng batang 'to ngayon. Nagutom din ako sa kakanood kay kuya, so magkakamote muna ako. Itong kabilang side naman ang aalisin at papalitan ng bago. Grabe ang hirap ng trabaho ni kuya, 'no? Kaya saludo ako sa mga ganyan yung trabaho eh. At habang busy sila diyan, eh niliguan ko na si G at naligo na rin ako. Ayan at nailagay na nila lahat. Isisilant na lang nila 'yan tapos aalisin na rin yung sticker. Tambay-tambay muna kami dito sa labas habang hinihintay silang matapos magtrabaho. Napakaganda nga naman ng batang 'yon, kagigig. At ginabi na nga sila bago natapos. Siguro mga 7:30 or 8:00 PM na 'to. And of course, dahil napalitan yung bubong, kailangan mag-general cleaning ni Papa J kinabukasan. Heto na ngayon ang aming laundry area. Alam niyo, hindi na bibigyan ng justice nitong video ko yung ganda ng aking roofing. Hindi na siya ganoon kaliwanag kagaya ng dati, pero maliwanag pa rin. Ang feeling kapag nandito ka ay parang sunset lagi. Kahit tumingala ako sa araw, eh hindi na ako masyadong nasisilaw. Ang hirap i-explain pero ganito siya, parang may sunset lamp na lang dito sa loob ng laundry area. Kung tatanungin niyo ako kung worth it ang pagpapapalit, oo, worth it na worth it. At siyempre, napalabana naman ako eh. Napakalinis naman na ulit ng aming laundry area. Ito lang pala yung usual setting ko dito sa aming washing machine, mapa-damit ng mga bata o mapa-damit namin ni Papa J. Ito yung before, at ito naman yung after. Anong mas bet niyo? Let me know.