Hook
More breakout videos from this creator.
Finally, nakahanap na kami ng perfect sofa para sa munti naming bahay. Today we decided to check out Mandaue Foam because we wanted something comfortable, spacious, and of course, bagay sa aming living room. Naka-living room sale din pala sila from September 15 to September 25, 30% off. Kaya ngayon na rin kami nag-decide bumili ng sofa. Ang daming choices and honestly, ang hirap pumili. We kept checking the colors, the size, and most importantly, kung comfy ba talaga. Syempre, hindi pwedeng tingin-tingin lang, kailangan natin i-test kung comfortable enough para sa movie night, tambay, and everyday family bonding. And ito nga yung isa sa mga nagustuhan namin kasi ang lambot niya tapos ang comfy niya sa sandalan. Pero syempre, nag-iikot-ikot pa kami, baka kasi meron pa kaming ibang magustuhan. Aside sa design and colors, isa talaga sa mga chine-check namin ay yung seat depth niya. Since matangkad yung asawa ko, gusto namin medyo deep yung seat para komportable siya umupo at hindi bitin yung support sa legs niya. And ito nga, umakyat na kami sa second floor, dito namin nakita itong mga recliner sofa and grabe, super comfy nila. Lalong-lalo na 'to, ito talaga yung isa sa mga nagustuhan namin. Two colors available siya, yung taupe tapos itong gray. Grabe nung try na namin 'to, parang talaga sabi namin ito na talaga yung bibilhin namin kasi sobrang comfy niya asawa ko nung umupo. Syempre nag-try pa kami ng iba kung saan pa merong mas komportable. Yung mga anak ko sobrang nag-e-enjoy sa mga recliner sofa. And ayun na nga, nag-ikot-ikot muna kami, baka sakaling may iba pa kaming magustuhan. And ayun na nga, umakyat din kami sa third floor and nakita namin itong dining table set nila. Gustong-gusto ko siya pero sabi ko, sige next time na lang, isa-isa lang muna. So ayan, nakuha na namin yung papel, magbabayad na lang kami sa second floor. Mag-a-avail na rin kami ng Homecard since palagi rin naman kaming bumibili rito. Pag may Homecard kasi, automatic 20% off lahat ng item nila. Kaya kung mapapansin niyo, meron siyang regular price, meron ding 20% off na price para sa mga Homecard owner. So naka-schedule siya i-deliver by Thursday. Excited na akong makita ang new sofa sa aming munting tahanan.