Hook
Sagutin nga lang natin yung tanong na to tungkol sa flooring ng kwarto namin sa taas. So hindi raw ba siya maingay or naririnig sa baba kapag merong naglalakad dito sa kwarto? Since hindi nga sementado yung flooring nitong taas namin mga bi, mula diyan sa part na yan hanggang doon sa loob ng kwarto. Bale makapal na plywood nga yung ginamit diyan mga bi, tapos may mga nakasuport din na mga bakal. At ayun nga, going back dun sa question, since plywood nga siya, syempre expected na rin namin na talagang maririnig namin yung mga steps. Pero mga bi, hindi siya yung nakakaabala, yung nakakaistorbo, yung tipong mapapatingin ka, ano ba yung tunog na yun? To be honest, hindi nga namin siya napapansin. Kaya ayun, hindi naman kami nagsisisi na hindi namin siya pinasemento, at the same time, hindi rin talaga kaya ng budget. At kadalasan naman talaga mga bi, kapag loft yung style ng bahay tapos maliit lang talaga yung space, katulad lang dito sa amin na 26 square meters lang, mas praktikal at okay lang din naman talaga na plywood lang yung flooring ng taas.
More breakout videos from this creator.