Hook
More breakout videos from this creator.
OLL ang third step sa method na CFOP. Pagkatapos mo ng F2L, meron kang apat na pwedeng ma-encounter. Ang line, small L, dot, or cross. Kung cross yung nakuha mo, congrats, tapos ka na sa step na 'to. Move on ka na sa next step. Ngayon, para sa line case, just a heads up nga pala, lahat ng 'to ay line, so wala tayong pake dito sa mga corners. Ang tinitingnan lang natin sa step na 'to ay itong mga yellow edges. Okay? So line 'tong lahat. Para sa line case, ilalagay natin siya ng pahiga ng pagganito, hindi dapat vertical kundi horizontal. Now, gagawin natin ang move na F. Commercial lang, sa tutorial na 'to magsasama ako ng notations para mas madali ninyong matutunan yung algorithms. Hindi niyo actually kailangan 'tong sauluhin, pwede ninyong gayahin na lang yung mga moves na gagawin ko sa cube, pero wag kang matakot sa mga notations, tatlong letters lang 'to. Ang R, U, at F. Kapag nakalagay na R, ibig sabihin, ite-turn mo yung right side. Same with U sa up, and F kapag front. Kapag may apostrophe yung kasunod, ibig sabihin pabalik yung movement. So kung ang R ay pagganito, ang R prime ay pababa. So kung ang U ay pagganito, yung U prime ay pabalik. Katulad lang din ng sa F. F, F prime. Okay, last na. Kapag naman may 2 na katabi yung letter, ibig sabihin ite-turn natin yung layer, imbis na 90 degrees o isang move lang ng pagganito, ite-turn natin siya twice or 180 degrees. So kung ganito ang R, ganito naman ang R2. Pareho lang sa U2 at F2. Hindi mo kailangan sauluhin ang lahat, ito ang cheat sheet para pwede mong balikan anytime. Okay, i-try nga natin. Gawin natin itong move na 'to. R U R prime U prime. So, una, R, right side. Next, U, itong upper layer. And then R prime, so R na pabalik, meaning na pababa. And then U prime, kung U ay pagganito, U prime naman yung kabilang daliri. Okay? Itong apat na moves na 'to ay tinatawag na sexy move. Trivia lang, kapag inulit mo 'tong move na 'to ng anim na beses sa isang solve na cube, babalik siya sa original solve state. So nagawa ko na once, gagawin ko ulit. R U R prime U prime and four more times. Ayun, solve na ulit yung cube. Usually, yung mga professional speedcuber ay merong alam na 57 1-look OLL algorithms para ma-solve 'tong step na 'to. Pero para mapadali, kasi wala namang gustong mag-memorize ng 57 algs kung nagsisimula ka pa lang, 'di ba? Papadaliin at liliitan natin yung number na kailangan mong sauluhin mula 57 into 10. Okay ba 'yun? Okay, let's start. Ngayon, balik tayo sa line. Kapag itong case na 'to ang nakuha niyo, ang gagawin niyo lang ay F, sexy move, R U R prime U prime, and then F prime. Kapag naman small L ang nakuha mo, or katulad ng mga ganitong itsura, small L lahat 'to, ilalagay mo yung small L sa ganitong orientation. Okay? So andito dapat yung isang yellow na edge at andito yung isa. Ngayon, kung ano yung ginawa natin sa line, uulitin lang natin. Ang pinagkaiba lang dito sa algorithm ay magiging small F yung simula. Kapag lowercase yung letter, imbis na isang layer lang yung ite-turn natin, gagawin nating dalawang layer kapag small F. Okay? And then ituloy lang natin yung kaparehong alg. Sexy move, R U R prime U prime, and then small F prime. Okay, huli ng case. Kapag naman dot yung nakuha mo, gagawin lang natin kung ano yung ginawa natin sa line case at small L na case. So ipag-combine lang natin yung ginawa natin dito sa dalawa. Una yung ginawa natin sa line case, F, sexy move, R U R prime U prime, and then F prime. Tapos may lalabas na small L na case. Gagawin lang natin kung ano yung ginawa dito. Same lang rin, small F, sexy move, R U R prime U prime, small F prime. Ayun, meron na tayong cross. Pagkatapos mo ng cross, meron kang seven possible cases na ma-encounter. Magsimula tayo dun sa pinakamadali. Una ay ang fish o ang Sune. Just a reminder, merong dalawang klase ng fish. Okay? So itong dalawa, pareho silang mukhang isda. Ang pinagkaiba lang nitong dalawa, kapag hinarap natin sa sarili natin yung isda, yung palikpik or yung fin niya ay either nasa kanan, katulad nito, so kung nakaharap sa atin yung isda, wala dito yung yellow kundi andito. Yung kabila naman nasa kaliwa yung yellow niya. So, kung nasa kanan yung yellow nitong fish, tatawagin natin itong right fish. Okay? Ibig sabihin, itong layer na 'to yung unang move dapat. Ang algorithm ay R U R prime U R U2 R prime. Okay? Kapag naman left fish, pareho lang yung gagawin natin pero i-mirror natin. So kung kanina, dito tayo nakaharap kasi andito yung yellow. Ngayon naman, dito tayo haharap kasi andito yung yellow na fill. Okay? Ang algorithm ay mirror lang nung isa. L prime U prime L U L prime U2 L. Commercial lang, kung gusto mo pa akong gumawa ng ibang beginner tutorial, make sure to like the video and subscribe. Also, kung naghahanap ka ng smooth or madulas na Rubik's cube katulad nitong nasa video, may link ako sa description kung saan pwede kang makabili. Yung susunod naman na case ay Superman. Para ma-recognize 'to, parang merong letter H na shape na binubuo. Or kung lumilipad si Superman, imaginin ninyo na itong dalawa ay yung kamay niya na nakaganoon, tas ito yung dalawa niyang paa na nakaganoon. Okay? So para sa algorithm na 'to, dapat iharap natin yung kamay or paa ni Superman. So iharap ko siya dito, kung saan merong dalawang yellow na nakaharap sa akin, at gagawin ko yung algorithm na F, tatlong sexy move, R U R prime U prime, that's one, R U R prime U prime, that's two, R U R prime U prime, and then F prime. Susunod naman ang case na tinatawag kong Chameleon. Tinatawag ko 'tong Chameleon kasi meron kang tangke na shape na ganito, tapos imaginin mo na lang yung Chameleon na yung isang mata niya nakatingin sa kanan, tas yung isa pa niyang mata nakatingin sa kaliwa. I-execute natin yung algorithm na nakaharap dito, at yung algorithm ay small R, meaning dalawang layer na R, U, R prime, U prime, small R prime, F, R, F prime. Yung susunod naman ay tank shape pa rin, pero imbis na Chameleon siya na may yellow dito sa gilid, meron ka namang dalawang yellow na nakaharap sa atin. Ang code name para dito ay headlights na parang headlight siya ng sasakyan na nagbi-beam ng ilaw papunta dun. Ihaharap natin yung headlights sa sarili natin, tapos gagawin natin 'tong mga move na 'to. R2 D R prime U2 R D prime R prime U2 R prime. Yung susunod naman na case ay AngelFish o mas gusto kong tinatawag na bowtie, kasi parang bowtie siya kapag ganito yung orientation. Ang gagawin lang natin, titingnan natin kung saan nakaharap yung dalawang yellow sa atin. Okay? So ito yung tamang orientation, ito mali kasi walang dalawang yellow dito. Gets ba? So kung nakaharap tayo dito, ie-execute natin yung algorithm kung saan nakaharap sa atin yung isang yellow dito sa kanan. So ie-execute natin yung algorithm dito, at yung moves ay F prime, small R, U, R prime, U prime, small R prime, F, R. Yung last case naman ay tinatawag na Pi o yung parang symbol sa mathematics. So kung i-imaginin ninyo, yung Pi ay may guhit na dalawa pababa at isa across. I-execute natin yung alg kung saan yung headlights ay nakapoint sa kaliwa. Medyo mahirap 'tong pattern na 'to, so sundan niyo na lang yung moves na ginagawa ko sa screen. R U2 R2 U prime R2 U prime R2 U2 R. Congratulations, tapos ka na sa OLL. Mag-move ka na sa next part kung saan ituturo ko naman yung beginners 2-look PLL para ma-solve niyo yung mga gilid nitong upper layer.