Loading video…
Hook
Lalaking nag-food trip sa mga pagkaing inalay sa sementeryo, patay! Isang lalaki ang nasawi matapos umanong kumain ng mga pagkaing iniwan bilang alay sa sementeryo. Ayon sa ulat, naisipan umano ng biktima na mag-food trip ng mga pagkaing iniwan para sa mga patay. Ngunit hindi nagtagal, bigla siyang nakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan at nagsuka. Sa isinagawang paunang imbestigasyon ng pulisya, natuklasang may lason sa daga ang isa sa mga pagkaing nakain ng biktima. Agad siyang dinala sa ospital ngunit kalaunan ay binawian rin ng buhay. Dahil dito, nagpaalala ang mga kapulisan na huwag basta-basta kumain ng mga pagkaing iniiwan sa sementeryo dahil hindi siguradong ligtas ang mga ito.
More breakout videos from this creator.