Hook
More breakout videos from this creator.
Ihanda ko na ang resulta ng boto ng taong bayan. Papangalanan ko na ang unang dalawang evictees ng edisyong ito at humanda na kayo dahil magsisimula tayo sa inyo, kapamilya. Calix. Bilang bunso ng grupo, sapat na nga ba ang naging character development mo matapos kang sabihan ng iyong mga ate at kuya? O baka naman mas marami ka pang dapat matutunan dito sa labas? Nathan. Hindi nga ba pwedeng mawala ang saya at siglang dala mo sa loob ng bahay o mas makakabuti kaya na mabawasan ang konting ingay at kakulitan diyan sa loob? At Primo. Naayos mo na nga ba ang ilang isyu tungkol sa pakikisama mo sa ilan sa iyong mga housemates o magiging mas maayos nga ba ang lahat kung magkakaroon ka ng me-time dito sa outside world? Housemates, makinig nang mabuti dahil ang unang pangalang aking babanggitin ay ang unang ligtas ngayong gabi. Congratulations, because you are safe tonight. Primo. Congratulations, Primo. Ibig sabihin, Nathan and Calix, isa sa inyo ang tuluyang lalabas ngayong gabi. Dire-diretso tayo, housemates. Susunod kong babanggitin ang ikalawang ligtas ngayong gabi. Congratulations, because you are also safe tonight. Nathan. Congratulations, Nathan. That means, Calix, I'm sorry, you have just been evicted from the Big Brother house. Oras na para magpaalam sa iyong mga kasama. Hello again, housemates. Tuluyan na ngang nagpaalam si Calix, pero isa pa sa inyo ang hinihintay namin dito sa outside world at magmumula siya sa inyo, ating mga kapuso nominees. Ethan. Are you slowly coming out of your shell and opening yourself up to your housemates, or too late na nga ba kaya sa labas mo na lang sila hihintayin to reconnect? Mikey. As one of the strongest personalities sa loob, isa ka nga ba sa mga boses na pinagkakatiwalaan at pinakikinggan ng iyong mga housemates, o isa ka bang boses that they would rather not hear anymore? Nicole. Have you successfully immersed in the Filipino culture through your housemates, or has the language barrier become too much of a burden for everyone? Ethan, Mikey, at Nicole, ang unang pangalang babanggitin ko ay ang unang ligtas na kapuso ngayong gabi. Congratulations, because you are safe tonight. Mikey. Congratulations. Ibig sabihin, Ethan at Nicole, isa sa inyo ang tuluyang lalabas ngayong gabi. Muli, dire-diretso tayo. Makinig nang mabuti dahil ang susunod na pangalan na aking babanggitin ay ang huling ligtas ngayong gabi. Congratulations, because you are also safe tonight. Nicole. Congratulations, Nicole. That means, Ethan, I'm sorry, you have just been evicted from the Big Brother house. Oras na para magpaalam sa iyong mga kasama. Mga kapuso at kapamilya, sina Calix at Ethan nga ang mga unang evictees ng edisyong ito.