Magandang gabi, Polo, Luzon, Visayas at Mindanao. Imbis na hustisya, kamatayan pa ang inabot ng isang ama matapos habulin ang rider na nang-hit and run umano sa kanyang anak. Sa halip kasi na siya ang resbakan, ay ang suspek ang tinulungan ng mga nasa lugar na mga kaibigan pala ng rider. Ayon sa pulisya, tukoy na nito ang pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng krimen. Narito ang eksklusibo kong pagtututok. Unang makikita sa CCTV video ang isang lalaking kumakaripas ng takbo. Hinahabol siya ng isa pang lalaki na nagmumura pa at tila galit na galit. Walang CCTV sa dulo ng eskinita at dito na sa anggulong ito muling makukunan ng CCTV ang mga pangyayari. Pero sa pagkakataong ito, ang lalaking unang nakunang humahabol sa lalaki, ang hinahabol na ngayon ng isang grupo ng mga lalaki. Hindi na raw nakunan ang sumunod na mga pangyayari. Pero ayon sa imbestigasyon ng Muntinlupa Police, inabutan at na-corner ng mga humahabol na grupo ang lalaki. Nung unang report po sa amin is allegedly nabagok lang ito doon sa pagtakbo niya. But then with thorough investigation, it turned out na pinalo pala. Pinalo na ng mga suspects itong si, itong biktima po natin. Naisugod pa sa ospital ang biktima pero kalaunan ay binawian din ng buhay. Kinilala siyang si Richard Escaros, 31 taong gulang na construction worker. Hindi po ako naniniwalang nabagok eh. Ang lumabas sa autopsy, basag po yung bungo. Ang sabi naman po sa autopsy, pinalo nga daw po siya ng matigas na bagay. Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, hinabol ng biktima ang lalaki na isa pa lang rider, matapos na masagasaan ang kanyang pitong taong gulang na anak sa labasan. Pero sa halip daw na tumigil, hit and run umano ang ginawa ng rider na mabilis na naglungga sa dulo ng eskinita nitong kung saan siya umuuwi. At nang makakuha raw ng timing, lumabas na raw ang nakadisgrasya, kasama na ang resbak niya. Siya na po ang hinabol pabalik ng maraming kabataan. Hindi na po nakuha ng CCTV doon, bumulagta na po yung kapatid ko. Pagdating po namin doon, nangingisay na. Ang sabi daw po, pinalo ng matigas na bagay. Ang pulisya, tukoy na raw ang pagkakakilanlan ng rider at ang tropa niyang nasa likod ng krimeng ito. Mula po doon sa ating mga witnesses na nagmalasakit sa biktima eh na-file-an na po natin yung tatlong suspect po dito ng murder. Pinagtulung-tulungan po nila itong biktima po natin. Pinagpapalo nila, pinagsusuntok. So talagang may intensyon po na patayin po yung ating biktima. Sa mga gumawa sa kapatid ko, pakiusap lang, sumuko na kayo. Kung di kayo susuko magtatago kayo, wala rin naman eh. Wala rin namang mangyayari. Bigyang natin yung hustisya sa kapatid ko. Nasa ligtas ng kalagayan ang na-hit and run na anak ni Escaros, pero maliban sa kanya, may dalawa pang naulilang anak ang biktima na wala pa rin sa gustong edad. Maliliit pa po yun, tatlo po yung naiwan. Wala naman pong hanapbuhay yung asawa. Ang kapatid ko lang po yung naghahanapbuhay. Kaya sa mga gustong tumulong, yun lang po ang pinapakiusap ko. Emil Sumangil, nakatutok, 24 Oras.