
We didn’t find a product being promoted in this video. Its hook, format and structure below still show why it took off.
Browse products winning on TikTokBUO PA BA KALULUWA MO, LOLA? Game na sumabak ang 63-year-old na si Lola Feme Lago Bobadilla sa isang de-pedal na roller coaster sa isang water park sa Meycauayan, Bulacan. Sa video ni YouScooper Jessa Lago Bobadilla, makikita ang kaniyang pamangkin na si Joshua na pinapadyak ang pedal ng manual roller coaster habang nakaupo si Lola Feme. Kada padyak ni Joshua, unti-unting umaakyat ang coaster car hanggang sa tuktok. Ngunit nang tuluyan na itong bumaba, napasigaw at nagpagewang-gewang si Lola Feme sa bilis ng takbo. Nauwi sa tawanan ng kaniyang mga apo ang reaksyon ni Lola Feme. Kuwento ni Jessa, kahit medyo sumakit ang balakang ng kaniyang nanay, naging core memory ito at nasulit nila ang kanilang family bonding. #YouScoop Courtesy: YouScooper Jessa Lago Bobadilla
Outliers and viral hits: their videos on Overshot, all time.