Hook
More breakout videos from this creator.
So, ang sawa ka na ba sa mga transfer fee sa GCash kapag ililipat mo sa bank? Pwede bang transfer free na lang? Dalawang app lang ang kailangan niyo dito: GCash and CIMB Bank. Una sa lahat, buksan niyo muna yung mga GCash niyo. Pagdating niyo sa main page, makikita niyo tong GSave by GCash. Pag na-click niyo na yan, makikita niyo naman yung GSave by CIMB Bank. I-click niyo yun and mag-open kayo ng savings account. Kapag nakagawa na kayo ng sarili niyong account, mag-deposit lang kayo sa savings account ninyo. Next step, pumunta kayo sa CIMB app. Sa main page, makikita niyo yung dineposit niyo sa GSave. Ngayon, kung gusto niyo siyang i-transfer sa ibang account, punta lang kayo dun sa transfer and makikita niyo dito yung list of banks na pwede mong pag-transferan. Last step, kapag nakapili ka na ng bangko, ito na yung makikita mo. I-fill out mo lang yung details and click continue. And may makikita kayong page to confirm kung doon niyo nga ba talaga ise-send and i-double check niyo na rin yung account number. And real time papasok yung pera sa funds mo. Kung nagustuhan mo tong video na to, and for more clever finance tips, sundan mo ako sa mga susunod kong video.