Hook
More breakout videos from this creator.
Takot ka ba magkaroon ng credit card dahil sa annual fees? Dahil ako napa-waive ko yung annual fee ko. Turuan kita kung paano. Kung magpapa-waive kayo ng credit card, kailangan mabait kayo kapag tatawag kayo sa mga credit card companies. Dahil wag niyo silang susungitan dahil tutulungan kayo niyan para mapa-waive yung annual fee ninyo. Pangalawa na ginawa ko, nagtanong ako sa credit card companies kung ano ba talaga yung dapat kong gawin para mapa-waive siya in the succeeding years. Ang sinabi sa akin, spend daw ako ng ganitong amount like around 20,000 pesos in 3 months para mapa-waive yung annual fee. Pangatlo is of course para mas mataas yung chances na ma-waive yung annual fee ko is mag-loan daw ako. And which is ginawa ko yun, but of course binayaran ko rin siya after. Dahil pandagdag yun ng credit score mo and credibility in terms of your profile in the credit card companies or banks na nagha-handle sa iyo. Ngayon in some cases, tinawagan ko mismo yung credit card company at nagbigay sila ng code para mapa-waive yung annual fee ko. Sabi sa akin, pumunta na lang daw ako sa bangko at may dala daw ako na documents. And after a few days, after the Holy Week, ito na yung nangyari. Akala ko hindi mawa-waive pero eto na siya, napa-waive ko na siya and negative na so less na siya sa babayaran ko in my next due date. That's all for today, how to wave your annual fees. And this is Clever Finance with Jillian. You know what to do, sundan niyo ako sa susunod kong video.