On-screen text
THINGS I WISH I KNEW BEFORE STARTING HOMEBASED PRINTING
I-TRACK LAHAT NG GASTOS.
Tandaan mo na hindi lang dapat papel at ink ang kabilang sa ginagastos mo.
Kasama rin dapat ang:
• Ink
• Packaging
• Tape
• Kuryente
• Renta
• Mga maling print
• Iba pang gastusin sa negosyo
Lesson: Kahit maliliit na gastos, kapag pinagsama-sama, malaki rin ang halaga.
HUWAG GAYAHIN ANG PRESYO NG IBA.
Isa ito sa pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko noong nagsimula ako.
Hindi dapat ginagaya ang presyo ng kakumpetensya dahil iba-iba tayo ng:
• Gastos.
• Printer model
• Machine
• Renta
• Desired income.
Ikaw ang mag-compute ng sariling presyo mo para siguradong hindi ka lugi.
HUWAG BIBILI NG SOBRANG DAMING MATERIALS AGAD.
Nakakatukso bumili ng maramihan dahil mas mura.
Pero ang totoo:
• Hindi lahat ng produkto mabebenta.
• May mga design o materials na hindi pala patok.
• Matatali lang ang puhunan mo sa mga stock na hindi nagagalaw.
Mas okay na bumili ayon sa demand, hindi dahil naka-sale.
MAGING CONSISTENT SA PAGGAWA NG CONTENT
Maging consistent sa pagpopost ng content para mas makilala ang mismong brand at produkto na binebenta.
Mas maganda kung ngayon pa lang, nagbabahagi ka na ng:
• Behind the scenes
• Tips
• Process
• Customer orders
• Mga natutunan mo
Kapag dumating ang panahon na kailangan ka nila, kilala ka na nila.
ALAMIN ANG BASIC MAINTENANCE NG PRINTER.
Hindi mo kailangang maging technician.
Pero malaking tulong kung alam mo ang basic:
• Nozzle check
• Head cleaning
• Print alignment
• Tamang pag-aalaga ng printer
Mas makakatipid ka kaysa laging nagpapaayos.
MAGSIMULA SA IIILANG PRODUKTO LANG.
Hindi kailangan na lahat ng service ay meron ka na agad.
Madalas ito ang pinagmumulan ng burnout at pagkasayang ng budget, dahil hindi mo alam kung saan mo itututon ang focus mo.
Ang dapat na gawin:
1. Pumili muna ng isa o dalawang produkto
2. Pagandahin ang kalidad at sistema mo
3. Unti-unting magdagdag.
Lesson: Galingan muna sa isang produkto bago mag-expand.
MAY HALAGA ANG ORAS MO
Bukod sa offer mo, kapag may extra service na hiningi ang customer, pwede mo rin itong idagdag sa bayad para sa oras at effort na nailaan mo.
Kasama rin ang oras na ginugol mo sa:
• Pag-design
• Pag-edit
• Pag-print
• Pag-cut
• Pag-pack
• Pakikipag-chat sa customer
Huwag mong maliitin ang halaga ng oras mo.
SAVE THIS FOR LATER
+ FOLLOW
and if this helped you, please hit follow
Get printing ideas and a sneak peek at our upcoming products <3