Original caption
BAKIT KAILANGAN DIN NG BABAE MAGBUILD NG MUSCLES? 💪✨ 🌸 Mas mabilis ang metabolism. Mas maraming muscle = mas maraming calories ang nabuburn ng katawan kahit nagpapahinga ka. Hindi ibig sabihin pwede ka nang kumain ng kahit ano, pero mas efficient ang katawan mo sa paggamit ng energy. 🏋️♀️ Mas toned at mas fit ang katawan. Hindi ka magiging “lalaking tingnan” sa pagbubuhat. Ang totoo, ang muscles ang nagbibigay ng shape sa legs, glutes, arms, at waist. Kung gusto mo ng firm at defined na katawan, kailangan mo ng muscle. 🦴 Mas malakas ang buto. Ang resistance training ay nakakatulong sa bone density, kaya nababawasan ang risk ng osteoporosis habang tumatanda. 🛍️ Mas madali ang araw-araw na gawain. Mas kaya mong magbuhat ng groceries, mag-akyat-baba ng hagdan, maglaro sa anak mo, o magtrabaho nang hindi agad napapagod. ❤️ Mas healthy habang tumatanda. Habang tumatanda tayo, natural na nababawasan ang muscle mass. Kung magsisimula kang mag-build ngayon, mas mapapanatili mo ang lakas, balance, at independence mo sa future. 🩸 Mas maganda ang blood sugar control. Ang muscle ay tumutulong sa paggamit ng glucose, kaya nakakatulong ito sa insulin sensitivity at sa pagbawas ng risk ng type 2 diabetes. 📩 Hindi kailangan maging payat para maging healthy. Mag-build ng muscle, kumain nang tama, at maging mas malakas. Message me the word “FIT” for coaching inquiries. 💬 @cladge vlogs @Mitch Vlogs