Original caption
IWASAN MO TO KUNG NAGSSTRUGGLE KA MAGBUILD NG MUSCLES 🥩 Kulang sa protein. Hindi sapat ang workout kung hindi sapat ang protein intake mo. Kailangan ng muscles ng building blocks para mag-recover at lumaki. 🏋️ Palaging nagpapalit ng workout. Every week iba na naman ang routine? Hindi mo matatrack ang progress mo. Stick to a program at mag-focus sa progressive overload. 📉 Takot magdagdag ng calories. Kung gusto mong mag-build ng muscle, hindi pwedeng lagi kang naka-aggressive calorie deficit. Kailangan may sapat na fuel ang katawan mo. 😴 Kulang sa tulog. Dito nangyayari ang recovery. Kahit perfect ang diet at training mo, mabagal pa rin ang progress kung puyat ka palagi. 💪 Hindi mo tinutulak ang sarili mo sa gym. Kung pare-pareho lang ang bigat at effort mo buwan-buwan, bakit aasahan mong lalaki ang muscles mo? Challenge your body. ⏳ Masyado kang nagmamadali. Muscle building is a long-term process. Hindi ito 30-day challenge. Ang consistency sa loob ng maraming buwan ang nagbibigay ng resulta. Hindi kailangan perfect, basta consistent. 💯 📩 Message me the word “FIT” kung gusto mong magpatulong mag-build ng muscles habang nababawasan ang body fat. #fyp #fypシ #LearnItOnTikTok #onlinecoach #GymTok