Original caption
“Hindi rice ang sumisira sa diet mo.” 🍚 💥 Hindi ang kanin ang problema—yung sobrang dami ng calories. Kahit alisin mo ang rice, kung sobra pa rin ang total calories mo galing sa milktea, softdrinks, chips, dessert, at extra ulam, hindi ka pa rin papayat. 📉 Rice is not the enemy. Portion control ang kulang. Maraming pumapayat na kumakain ng kanin araw-araw dahil kontrolado nila ang serving at kabuuang pagkain nila sa buong araw. ⚠️ Masyado mong dini-demonize ang kanin. Dahil bawal daw ang rice, nauuwi ka sa matinding cravings hanggang sa maparami ang kain mo sa gabi o magkaroon ng binge eating. 🔁 Hindi ka tumaba dahil sa isang tasa ng kanin. Tumaba ka dahil sa mga habits na paulit-ulit mong ginagawa—sobrang pagkain, madalas na pagkain sa labas, at kakulangan sa consistency. 🏋️ Kailangan ng katawan mo ng carbs. Ang kanin ay source of energy. Kapag tama ang amount, mas maganda ang performance mo sa workout at mas madali kang makapag-stick sa diet mo. 🎯 Ang totoong sikreto ng fat loss ay consistency. Mas mabuting kumain ka ng tamang amount ng kanin na kaya mong sundan habang-buhay kaysa sobrang higpit ng diet na titigilan mo rin pagkatapos ng ilang linggo. 📩 Message me the word “FIT” para matulungan kita. Hindi kailangan perfect, basta consistent. 💪