Original caption
How did I know God exists?😭 Hindi ko Siya nakita… pero nakita ko kung paano Niya binago ang buhay namin. 🤍 Back in 2023, hindi na kami natuloy sa pag-alis papuntang ibang bansa, kaya nag-decide kaming bumukod dito sa Pinas gamit lang ang kaunti naming ipon. Sariling renta. Sariling kuryente. Sariling tubig. At nagbibigay pa rin ako sa parents ko. That time, nagsisimula pa lang kami bilang TikTok Affiliate at content creators. Wala pang brands na lumalapit. Wala pang steady income. Pero kahit ganun, tuloy lang kami. Hanggang dumating yung point na ang natitira na lang naming pera ay pang-renta at bills. 😭 Tapos kinabukasan… may brand na nag-reach out sa akin. 4 videos for ₱500. Tinanggap ko agad. Sayang din, sabi ko. 😂 Hindi namin alam na yung ₱500 na yun ang magiging simula ng isang blessing na hindi namin in-expect. Natapos ko yung 4 videos, habang araw-araw kaming nagdadasal na sana may kumuha pa sa amin na brands. And then… unti-unti silang dumating. 🥹 One brand became another.
One opportunity became another.
Hanggang sa hindi na namin namalayan… binabago na pala ni Lord ang buhay namin. From barely having enough for rent and bills… To 3 years of continuously working as TikTok Affiliates and content creators… To having our own home. 🏠
To having our own car. 🚗
To receiving blessings far beyond what we prayed for. 😭❤️ Kaya kapag may nagtatanong sa akin, “How did you know God exists?” Simple lang ang sagot ko: Hindi ko kailangang makita si Lord para malaman kong nandiyan Siya. Nakita ko Siya sa mga panahong wala na kaming makapitan pero bigla Siyang nagbukas ng pinto. 🙏🏻 Siguro hindi aksidente na hindi kami natuloy sa ibang bansa noon. Maybe God was redirecting us to the path He prepared for us. 🤍 Totoo pala… kapag kumikilos ka, ginagawa mo ang kaya mo, hindi ka sumusuko, at inaalagaan mo ang mga blessings na ipinagkakatiwala Niya sa’yo— siksik, liglig at umaapaw ang kaya Niyang ibigay. 😭🙏🏻 Thank You, Lord, for everything. Buti na lang… hindi kami sumuko noon. 🥹❤️ #GodsTiming #GodIsGood #FaithOverFear #GodsBlessings #OurStory @PauTok Finds @歐塔 @jajaandpau_10