Original caption
Gets ko, ang hirap mag-ipon sa panahon ngayon. Mataas bilihin, mataas pamasahe, pero stagnant ang sahod. Kaya ang ipon strategy, dapat praktikal at bagay sa realidad. Eto mga tips na pwede mong gawin kahit simple lang 1.Magtabi kahit maliit Kung di kaya magtabi ng 20% ng sahod, okay lang. Kahit piso, sampu, bente, basta tuloy-tuloy. Ang importante, may habit ka ng pagtatabi. Mas realistic kesa wala talaga. 2.Gumamit ng digital banks Traditional banks minsan 0.1% lang interest. Pero sa digital banks tulad ng Maya, SeaBank, CIMB, at Tonik, umaabot ng 4%–6%. Malaking tulong lalo kung maliit pa lang ipon mo kasi mabilis mo makikita yung tubo. 3.Luto sa bahay kaysa kain sa labas Kung araw-araw kang bumibili ng lunch worth 150 pesos, that’s 3,000 pesos a month. Sa bahay, kaya mong mag-budget ng 1,500 pesos para sa ulam ng buong linggo. Mas tipid, mas marami kang makakain. 4.Iwas sa utang kung hindi kailangan BNPL at credit cards madali gamitin lalo na kung gipit, pero ang totoo, mas madali ring lumubog sa utang. Kung hindi emergency, huwag mo na i-charge. Kung di rin kaya bayaran agad, huwag nang ituloy. 5.Extra kita, huwag extra gastos Kapag may bonus or sideline, huwag agad gastusin lahat sa luho. Ang gawin mo, hatiin — kalahati reward, kalahati ipon. At least na-enjoy mo, pero may napunta rin sa future mo. 6.Maghanda ng emergency fund Hindi ito savings para sa travel o bagong phone. Ito ang perang hindi gagalawin unless emergency. Targetin ang 3 hanggang 6 months ng monthly expenses mo. Halimbawa kung gastos mo 20k kada buwan, dapat at least 60k to 120k ang emergency fund. #cleverfinancewithgillian #sagechoice