Hook
More breakout videos from this creator.
Kapag magsisimula ka sa AI automation, merong tatlong apps na lagi kang maririnig or makikita. Ito yung Zapier, Make, at saka yung n8n. Pinaka-beginner friendly dito is yung Zapier. Then, next naman is yung Make. Tapos yung parang pinaka-advanced naman dito is yung n8n. Kung magsisimula ka sa AI automation, kadalasan na-re-recommend sa'yo na mag-start ka muna sa paggamit ng Zapier. So, sa Zapier, sobrang dali lang siyang gamitin, lalo na sa mga beginners. Kasi ganito yung itsura ng Zapier. Meron kang trigger, meron kang action. Para ka lang mag-fi-fill up ng form. Sa trigger, sabihin natin na ang workflow na gusto mong gawin is kapag may na-receive kang email na may attachment, automatic na mag-se-save sa Google Drive. So, sa trigger mo, ang gagamitin mo dito is yung email. Sa action, doon naman mangyayari kung ano ba yung task na gusto mong gawin ng workflow mo para sa'yo. So, sa action, gusto mong ma-save yung attachment sa, sabihin nating Google Drive. So, ang gagamitin mong app dito sa action is yung Google Drive. Madali siya kasi alam mo kung saan ka mag-sa-start. Hindi ka gaya sa ibang workflow applications, kagaya ng Make. Ganito itsura niya kapag magsisimula ka. Wala kang makikita at all. So, as a beginner, medyo nakaka-intimidate kasi hindi mo alam kung papaano ka mag-sa-start. Next na reason kung bakit beginner-friendly yung Zapier kasi marami siyang apps or marami siyang application na available. Literally, para ka lang talagang mag-drag and drop sa Zapier. Lahat ng may isip mong application, sabihin nating Canva, Gmail, Google Drive, OneDrive, available siya sa Zapier. Hindi ka gaya ng ibang workflow applications, hindi lahat available. Kailangan mo pang gumamit ng API or webhooks para ma-i-connect yung mga application na kailangan mo doon sa workflow na gagawin mo. Which is kung beginner ka, syempre, ano bang malay mo sa mga 'yun? Mas nakaka-intimidate nga na gamitin kung ganun, 'di ba? Pagdating naman sa error handling ng Zapier, mas madali rin siyang intindihin kasi simple English lang yung gagamitin. Unlike sa ibang workflow application, minsan may mga kung ano-anong bagay kang makikita na mas makaka-intimidate sa'yo kung beginner ka. Then, lastly, sa Zapier, marami rin siyang templates na pwede mong gamitin. Kung very basic lang naman yung workflow na gusto mong gawin or yung automation na gusto mong gawin, pwede mong hanapin sa templates. Meron na doon na makikita ka, so mas madali mo siyang magagawa. 'Yun nga lang, ang disadvantage lang ng Zapier is mas mahal siya kumpara sa make.com at saka sa n8n. Based sa website nila, ito yung pricing niya. So, kung nagsisimula ka pa lang naman, okay lang 'yan, sa Zapier ka muna. Pero kung gusto mo naman ng mas advanced na yung pag-aaral mo ng automation, then maybe pwede ka nang gumamit ng make.com, mas mura 'yun. Or kung kaya mo na talaga, mas technical ka na, then pwede mo nang gamitin yung n8n, mas mura 'yun kasi self-hosting lang siya.