Hook
More breakout videos from this creator.
Ordinary Days Episode 7. Morning pala guys. Maaga tong video na to kasi maaga ako nagising gawa ng ginising ako ng girlfriend ko para magpasama sa palengke para sa gagamitin nila sa outing. Nag-withdraw muna kami ng pang-pocket money niya kasi nga sa San Felipe apat na araw kami. Dito pala kami nag-withdraw sa harap ng Jessmag. Ewan ko guys kung Jessmag ba yan. Mahina kasi ako sa lugar. Basta diyan yun, basta Castillejos to kaya kung taga-Castille ka malamang alam mo to. Tapos pumunta kami ng public market at nagulat ako, araw ng palengke. Medyo naguguluhan ako kasi nga sobrang daming tao talaga. Bago ang lahat syempre kumain muna kami at ang beef ko dito is 3 over 10 nga no. Fast forward tayo sa sobrang busy hindi na ako nakapag-video at nandito na kami sa Camp Inoki. Nagpunta na kami dati dito dahil nga affordable to kaya binalikan namin. Isipin niyo yun, for 5,000 pesos, 22 packs na kami. Dahil nga nag-drive ako syempre inaantok ako at dito na nga nagsimula yung kakulitan ng girlfriend ko. Pagkapatay ko nga ng camera, ganito yung ginagawa niya sa akin guys. Sobrang kulit tapos sabi ko maglagay nga ako ng camera para tumigil to. And ayun nga guys no, nagpatuloy pa rin siya. Ang kobe to guys no. Ako si Beauty and the, ako si Sleeping Beauty. Yellow, black and yellow yan. Hindi, tapos ikaw yung Beast. Ikaw yung Beast. Namumukha ba akong Beast ba ang ganyan? Ito ako. Ako to. Ako to. Siya to. Oh, di ba? Ayaw mo? Pati si Princess Fiona ayaw mo din. Ako si Fiona, ikaw si ano, ikaw si Shrek. Oh, di ba? Pangit. Anong gusto mo? Cinderella. Oh, di ba? Fiona. Oh, tingnan niyo ha, tingnan niyo. Oh. Oh, ako si Belle, siya si ano Beast. Oh, Beauty and the Beast. Oh, di ba? Oh, tingnan niyo. Oh, di ba? Dito na kulitan na ako sa kanya at sabi ko, titingnan ko muna kung ano yung nangyayari sa labas. Nagulat nga ako sa nangyayari kasi nga may mga nagko-color game dito. Alam niyo yung perya guys? Ewan ko kung anong tawag sa inyo guys nito ah, pero sa amin kasi color game. At context lang guys, outing ng set ng girlfriend ko kaya napasama ako. And to be honest, kapag nag-outing-outing rin kami, nagaganito rin talaga kami, baraha. Pero yung perya style. Ngayon ko lang nakita yun. Dito nga nagpupusoy sila. Sabi ko nga wag lang sanang ma-raid. Piso-piso lang rin naman yan kaya safe yan. And sa harap ko nga makikita niyo yung Camp Inoki. Yung pool nila, sobrang sarap, malinis. At ako dito, inaantok na ako. Nasabi ko sa inyo kung bakit apat na araw ako, hindi pa. Ito yung first day natin sa San Felipe kaya ikaw, kung taga-San Felipe ka, tara, bonding tayo o kaya jam tayo kahit papaano. Message mo lang ako. Dito nga yung first day at first night natin sa Camp Inoki, pero lilipat din kami ng resort. At dalawa na lang kami ng girlfriend ko nun at mag-i-invite ako ng iba. Kasi isang araw lang naman yung outing ng mga classmate ng girlfriend ko. Mapapansin niyo nga sobrang saya nila dito. May video ako kayong libre. And sabi ko nga wala rin naman akong ginagawa, what if mag-video na lang ako ng mga pang-edit ko, pang-postcard. At nakita ako ng girlfriend ko, sasama daw siya. Sakto nga nagutom ako bigla. Sabi ko mag-motor muna tayo, bibili muna ako ng pagkain. Naghanap kami ng mga pagkain at tumagal kami dahil wala kaming makita. Tapos dito kami napadpad sa pansitan at saka Aris Caldo ni Madam. Hindi ko kilala si Madam pero nasarapan talaga ako sa pansit niya at saka sa may pancake niya. Ito pala si Madam, shoutout sa iyo. Luli-luliwa to guys. Kung kilala niyo si Madam, ang bait-bait niyan. Ito pala yung in-order ko sa kanila, isang pancake at saka isang order ng pansit. So far, sarap na sarap naman ako kasi gustong-gusto ko yung lasa niya, hindi siya maalat. Hindi ko ma-explain ng maayos pero masarap. Nami-miss ko na yung pansit ng mama ko eh, kasi yung mama ko mahilig talaga magluto yun ng pansit. Lahat ng pansit talaga hilig niyang lutuin kaya nung kinakain ko to talaga naaalala ko yung mama ko. Siguro sa katapusan pagkatapos ng trip ko ngayon, itong Agosto, magpapaluto ako sa kanya ng pansit kasi nami-miss ko na. Ito guys, hindi ko maisasama lahat ng video pero nag-video talaga kami sa dagat at ang dami talagang video na pwede niyo mapanood sa IG ko sa susunod. Ginawa namin yung mga trend at ang gaganda ng result talaga. To be honest, nakakapagod siya kasi takbo-takbo ako kung ano yung ginagawa. Pero masasabi ko lang talaga, worth it. Kaya follow niyo ako sa iba kong social media, nagpo-post din ako at isa na namang ordinaryong araw na naging espesyal. So paano ba yan? Bukas na lang ulit. See you next episode.