Kung may boyfriend ka or nakakausap ka ngayon na lalaki, eto yung anim na bagay na ginagawa ng mga kalalakihan kapag hindi na sila interesado sa'yo. Kaya makinig ka. Minsan, 'di mo na talaga kailangan tumingin sa isang tao kung interesado ba talaga sila sa'yo. Kasi kapag gusto ka ng tao, mararamdaman mo talaga at sa pinapakita nilang action. Number 1, hindi na siya curious sa buhay mo. Hindi tulad dati na yung mga simpleng bagay, kahit napakasimple nung tinatanong niya. Andyan yung mga kinakamusta yung araw mo, tinatanong ko kung kumain ka na ba, yung mga bagay na anong ginagawa mo. 'Di ba napakasimple pero kasi yun yung nagpapakita ng interesado pa siya sa'yo. Pero 'pag naramdaman mo na parang wala na siyang pakialam at feeling mo hindi na siya interesado sa mga kwento mo, sa buhay mo, may mali na doon. Number 2, kailangan mo nang pilitin para lang makausap mo siya. Samantala nung nanliligaw siya o yung nasa talking stage pa lang kayo, araw-araw 'yan siya yung laging nagcha-chat ng una. Ngayon, kung 'di mo pa i-cha-chat, parang walang pakialam kung i-cha-chat ka. Parang wala na sa isip niya 'yun. Minsan nga sini-seen ka pa niyan, minsan dini-delivered na lang, o kaya magre-reply siya after ng ilang oras. 'Di ba? Ma-feel mo 'yun eh. Number 3, hindi na siya gumagawa ng paraan para makita ka. Dati kahit may trabaho 'yan, dati kahit may ginagawa 'yan, gagawa't gagawa ng paraan 'yan para makita ka. Ngayon, puro next time na lang. Busy daw siya, pagod. Gets ko 'yun eh, na hindi naman kailangan lagi kayong magkasama 24/7. Pero kung gusto ka talaga ng tao at pinili ka niya, gagawa't gagawa siya ng paraan para makita ka pa rin. Tsaka hindi ka magiging options at hindi ka lagi nasa huli. Number 4, hindi na siya bothered kapag may tampuhan kayo. Mapapansin mo yung mga relasyon, ayaw niyan ng may tampuhan bago matulog. Siguro ganun ka rin ka-dati, 'di ba? Ngayon, wala na siyang pakialam sa'yo. Kahit matulog ka may sama ng loob, kahit umabot pa 'yan ng isang linggo, wala na 'yan. Wala na siyang pakialam kung okay pa ba kayo. Komportable na siya na wala ka. Alam mo yung mas masaya siya na mag-isa kaysa ayusin yung problema niyo. Masakit 'yun ah. Yung number 5 nga, hindi ka na kasama sa mga plano niya. 'Di ba? Ang sakit. Mapapansin mo rin dati may mga kwentuhan kayo tungkol sa future, pinag-uusapan niyo kung ilan yung anak niyo, kung saan kayo magta-travel ng mga country, kung anong mga gagawin niyo kapag ganito nangyari after graduate. Ngayon, wala na. Parang hanggang daring na lang. Nararamdaman mo sa mga kwento niya na parang sarili niya na lang yung iniisip niya. For example, may motor siya, dati trip na trip niya mag-gala kayo 'di ba? Ngayon hindi na. Mas masaya siya na isa niya na lang gumagala kasama ang kaibigan niya. Feeling mo tuloy parang 'pag nandiyan ka sa buhay niya, parang wala na siyang next chapter. Eto number 6, masakit 'to kasi parang ikaw na lang yung may gustong ipaglaban yung relasyon. Nandoon yung lagi kang nag-a-adjust, ikaw yung laging umiintindi ng away, ikaw lagi nagso-sorry, ikaw yung laging gumagawa ng way para maayos yung away niyo. To be honest, nakakapagod talaga yung isang relasyon na dapat kayong dalawa yung bumubuo pero parang ikaw na lang. Kaya kung paulit-ulit mo nang napapansin yung isang lalaki na parang hindi na siya interesado sa'yo, dapat kausapin mo na siya. Hindi yung pinapatagal pa kasi magsasayang lang kayo ng oras. Or pwede rin na pag-usapan niyo kung maayos pa o hindi na. Tsaka hindi mo kailangan ipagsiksikan yung sarili mo sa isang taong ayaw na sa'yo.