Hook
More breakout videos from this creator.
Napagod ang isa biyahe kaya nagpahinga muna ako dito. Nandito na nga pala tayo sa bagong location natin. Sa mga nagtatanong kung nasaan tayo ngayon, nandito tayo ngayon sa Kwentong Dagat sa Liwliwa, Zambales. Ngayon lakad natin, marami tayong ma-a-unlock na bagong character. May mga bagong Pokemon tayo. Pero bago pala ayun, kudos sa staff ng Kwentong Dagat. Kasi marami nga kaming gamit at tinulungan nila kami para ipunta sa room namin. Kaya shoutout talaga kay Kuya na nag-assist sa amin para hindi kami mahirapan. Sinakay nga sa tricycle kasi malapit kami sa dagat. Medyo malayo yung lakad kasi nga malaki tong Kwentong Dagat Resort. To be honest, excited na ako dito kasi may restaurant din dito sa loob. Pero sa last day na namin titikman yung vegan resto nila. Tatlo pa lang kami ng girlfriend ko at si Arnes na dati kong kaibigan nung senior high school pa lang ako. Dahil nga matagal na kaming hindi nagkikita, sabi ko ito yung perfect time para mag-bonding ulit kami. To be honest, amiss na amiss ako sa room namin ngayon. Kaya quick room tour tayo. Pag nagpunta kayo dito sa Kwentong Dagat, ito yung Villa 1. Sa baba, kasya na yung four pax at malaki-laki na rin talaga yung mga beds nila. And it's sobrang aesthetic. White bed sheets, white pillowcase, and yung comfort room, approved. And yes, malaki yung CR nila and hiwalay yung shower. Yung room pala na to is fully air condition, one minute walk lang sa dagat. Excited na nga ako sa mga mangyayari ngayon kasi nga papunta na rin talaga yung mga kaibigan natin na na-invite. Kaya makikilala niyo sila mamaya. Pero bago yun, appreciate muna natin yung room natin. Wag kayong malilito, ito yung tinatawag na Villa 1. Sa taas naman, makikita niyo yung spacious na bed. Gusto ko yung loft type nila dito. Kahit papaano may privacy kami ng girlfriend ko. Pero kung barkada kayo, kasya ang kasya dito yung apat sa taas. Ang maganda dito malalapit yung saksakan kaya pwede ka talaga mag-charge, magtrabaho, at mayroon pang electric fan. Malapit din sa iyo yung aircon at sobrang lamig. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik, ginawa ko na lahat ng gamit ko para makapag-asikaso na kami, makakain ng dinner, at makapag-enjoy ng bahagya. Ito pala si Arnes guys, buti nga napasama natin siya sa trip natin ngayon dito sa Kwentong Dagat. Napansin ko nga at nagustuhan ko dito yung exclusivity ng buong resort at marami ngang rooms talaga, hindi ka mauubusan. Sa rooms nila, as usual, wala ka na namang masasabi, maganda talaga. Meron din common kitchen, kung gusto niyo magluto o mag-grill. Bakit nga ba napili namin dito sa Kwentong Dagat at bakit weekdays kami pumupunta? Unang-una sa lahat, almost exclusive, walang gaanong kasama, mas peaceful, at mayroon kaming privacy ng girlfriend ko. Kung mapapansin niyo naman, ikot lang kami ng ikot dito sa resort, walang gaanong tao kapag weekdays. Kung meron man, iilan lang. Doon ko talaga na-enjoy yung isang resort kapag walang gaanong tao at kami-kami lang. Makikita niyo naman yung saya sa amin kung gaano. Isipin mo na lang kapag puno-puno to. Siguro hindi ako makakapag-video ng maayos. Pero kahit saan talaga, mas gusto namin ng girlfriend ko yung exclusivity ng isang lugar. Kaya madalas talaga weekdays kami pumupunta para mas ma-enjoy namin yung isang resort. Kami kasi yung klase ng tao na mas gusto na namin yung tahimik na lugar kaysa sa maraming tao. Ewan ko guys kung ganun din kayo, pero ganun na kasi talaga kami. Ganun na siguro kapag nag-a-adulting. Yung bibili ka lang ng taho, tapos si Higo magtatawanan, magkikwentuhan. Perfect na perfect nga dito sa Kwentong Dagat. Kasi talagang kami-kami lang. Meeting lang sa mga kaibigan habang humihigop ng taho. Makikita mo lang yung mga nagsu-surf, mga naliligo ng dagat, and habang hinahantay yung mga kaibigan natin. Dito nga dumating na si Bebs, yung tropa natin, at tulog na si Arnes. Sayang na lang yung gising. Ito maaga-aga pa to guys. Nandito nga kami sa tambayan at biglang dumating na rin si Bok, yung tropa natin from Antipolo. At sabi ko tambay muna tayo dito para makapag-kwentuhan. Kung mapapansin niyo guys, pala-kaibigan talaga ako kaya yung mga followers ko, mga nagiging tropa ko talaga. Yan si Bebs, tsaka si Bok, followers ko lang yan dati. To the point na na-invite ko at tuloy-tuloy na yung pag-invite ko sa kanila sa mga ganito. Bilib na bilib nga siya sa room na to. Sabi niya ang ganda raw ng architectural design. Bilib na bilib talaga siya eh. Ginising ko na nga rin muna si Arnes para naman mag-dinner na. Ito naman tropa ko na to tulog ng tulog, hindi ko alam kung bakit. Kuya at ata. Kayo guys, kung gusto niyo makasama sa mga ganito at ma-invite ko, o kaya magka-jam tayo, just comment down. Kung taga-saan ka, kung pwede tayo magkita, pwede tayo mag-jam. Wala namang mali doon. Friendly naman tayo. Gusto ko lang talaga ng good vibes at ayaw ko ng mga negative shit. Dito nga nag-dinner muna kami. 3:00 PM kasi close na yung restaurant sa Kwentong Dagat kaya nag-dinner muna kami sa labas. And yes, masaya rin yung nangyari. Masarap din naman yung pagkain, nakapag-kwentuhan, pinakilala ko rin yung mga kaibigan ko sa mga bagong kakilala. Kasi si Arnes ngayon lang rin talaga nakasama sa gala namin, kaya naging masaya rin talaga yung gabi na to. Sa mga oras nga nito, papadating na rin yung mga tropa natin na ini-invite ko, sila Sent, sila Axel, sila John Lester. Hindi na rin sila nakaabot sa dinner kasi may hinantay pa rin sila. Sobrang sarap nga dito ng crispy kare-kare nila, enjoy na enjoy din sila. Tuwang-tuwa ako dito sabi ni Bebs na first bite daw pero kanina pa siya kumakain. Si Bok naman nag-enjoy siya sa sisig. Pagbalik nga namin sa Kwentong Dagat, ito na yung gustong-gusto ko, yung peace pool. Ito talaga yung babalikan namin ng girlfriend ko dito. Yung tahimik, yung exclusive lang, may privacy kayo, tawanan, kwentuhan. Ang sarap talaga kapag weekdays ka dito eh. Kayo-kayo lang tapos kahit magdamag kayo magtawanan, masaya lang. Kaya sa susunod, sama ka na sa amin, comment mo lang kung taga-saan ka, tapos kung mahilig ka ring gumala-gala, camping ganyan, staycation, comment ka lang. Dito nga nag-chat na kami sa harap ng villa, konting pampatulog lang tapos kinaumagahan, nag-almusal lang kami sa harap ng dagat. Ito yung buhay na gusto ko. Gusto niyo pala i-check yung page nila, ilalagay ko na lang diyan. Paano ba yan? See you tomorrow, see you sa next episode.