Obrang unexpected na lakad na to to the point na hindi ako nakapag-prepare ng maayos. Umagang-umaga nga wala pa talaga tayo sa wisyo, nakatulala pa ako dito kasi hindi pa rin talaga nag-sink in sa akin yung nangyari ngayong araw. Mag-aasikaso lang talaga ako buong araw ng mga brand collabs, mag-chi-chillax. Nagulat ako sumigaw yung kapatid ng girlfriend ko na kung gusto ko raw ba sumama sa pupuntahan nila na falls. Napaisip ako dito kung sasama ako kasi syempre bilang may mga ginagawa, wala naman siya sa schedule ko. Pero dahil kagabi nag-puyat din talaga ako para matapos ko yung mga trabaho ko ngayon, naka-schedule na lang, kaya ayun, sasama tayo. Uy, sobrang sarap pala nito guys oh, yung pinangat na yan. Ewan ko kung kumakain kayo ng ganyan pero nasarapan talaga ako kasi malinamnam yung mga isda na ganyan eh. After namin kumain, ayun, nag-prepare na ako ng mga gagamitin natin. Dinala ko na yung set ko talaga dito para in case na may mga magagandang pwedeng kuhanan, 'di ba, tapos mga scenery. Wag niyo na pansinin yung studio ko kasi makalat talaga siya since kagabi nag-puyat ako para gumawa ng mga collabs nga at mga videos. Nag-pagas lang muna ako dito para naman makalis na rin kami at hinintay na lang ako ng girlfriend ko. Diyan lang naman yung sa malapit since may ginagawa pa siya. Ayun nga guys, aalis na tayo. Insta360 pala yung gamit natin dito para naman makuha yung mga shots na hindi na-kukuha kapag nag-cellphone lang. Kumpleto naman tayo ng gamit kaya hindi rin ako namomroblema talaga sa mga iba't ibang angle, pero dahil sobrang daming gamit, nahihirapan ako mag-dala minsan. Ay, hindi ko pala nasabi sa inyo no, pupunta pala tayo sa tinatawag nilang Balon and first time ko lang doon. Medyo delikado daw yung mga motor doon pero ginawa na namin, hanggang diyan lang naman yun. Pero pangit din talaga yung daan kaya hindi ka pwede mag-sasakyan dito or kahit ano. Diyan mo papasok mo yung sasakyan sa ganyan. Tapos may dadaanan ka pang mabato at saka matubig. Parang may trail siya ganun, trail. Hindi trail ah, may trail siya. Parang trail, alam niyo yun? May ganyan pa tubig. Sarap, ang lamig, promise. Kinakabahan lang ako kasi baka hindi ako makaligo sa sobrang lamig. And nandito muna kami sa baba kasi nga marami pang tao and yung mga kasama ko naka-naka-bikini-bikini. Sila rin yung nahihiya bigla. To be honest, itong experience na to is ang pasimuno nito is si Ian, yung kapatid ng girlfriend ko. Mag-pi-picture-picture lang naman daw sila at ayun, napasama pa nga tayo. Ginawan ko na rin ng mga picture yung girlfriend ko, kahit papaano naman marami tayong nakuhang pictures and memories. And guys, falls pala to guys ah. Tapos parang ilog na rin siya. And promise, sobrang lamig. Ganito yung mga ordinaryong araw na trip na trip ko talaga eh, yung mga unexpected. Dito tamang ligo lang kami kasi marami pang tao doon sa taas, yung mga malalim daw. Ewan ko guys kung taga-Sacatihan kayo, alam niyo to. Marami raw naliligo dito eh. And ayun, sobrang sarap maligo dito kahit sa sobrang babaw pa lang. Alam niyo yung sarap na malamig kasi. Waiting na lang rin kami para naman bumaba na yung mga bata and hinihintay talaga namin na konti na lang yung tao para naman makaligo kami ng maayos. Kasi guys, talaga kung mapapansin niyo kanina, sobrang puno talaga nung balon. Nagulat din ako eh, akala ko liblib to na ano, na walang gaanong tao. Ayun lang, ba't may ganun pa? Dito, bumababa na yung mga bata and napapansin namin na kumokonti na lang yung tao. Pero may mga tao pa rin, hindi naman mawawala yun kasi sikat daw talaga to. Lilipat na nga kami guys, tara samahan niyo kami doon tayo sa mismong balon. Tingnan niyo yung daanan namin oh. Hindi ko nasabi dito parang wrong turn to. Ayan oh, 'di ba, trail siya. Sarap dito guys kapag nature trip. Kung makikita niyo sa gilid namin, ayan may mga bata pa, mga kalalakihan. Apat lang pala kami, magkakapatid sila. Nakapag-drone shot pa ako dito kaso saglit lang kasi hindi pala naka-log-in yung account ko sa cellphone na dala ko, so limited lang yung coverage ng drone. Mabato talaga dito, bro. E-testing ko lang. Nagulat ako dito muntik pa ako magka-problema kasi muntik ko i-delete lahat to kasi sabi ko, ba't parang hindi na-se-save yung mga video ko na 360? Alam mo kinabahan ako ah. Pati yung girlfriend ko kinabahan kasi sira na talaga yung mood ko niyan kapag nawala yung mga video ko sa 360. And ayun guys, umuwi na rin kami. Mga 30 minutes lang pala kami dito sa may taas at nag-enjoy naman kami. Yun lang pala ngayong araw, see you tomorrow.