Hook
Sobrang aga namin eto pero nag-go-yit na kami ng breakfast ko, kasi nga maaga kami nag-gising. Sabi ko kasi pumunta tayo ng palengke, gusto ko kumain doon, mag-food trip. At huwag niyo na nga pansinin yung patch ko sa likod kasi sobrang sakit ng likod ko talaga nakaraang araw. Gawa siguro ng nakaupo sa graduation tapos nakatulog ng walang damit. Umuulan nga dito guys at medyo malamig, pero dahil may mga cravings tayo at gusto natin kumain sa palengke, wala kayong magagawa kundi samahan niyo kami. After ko nga mag-asikaso dali-dali na kaming umalis. Kaya kung taga-Castillejos ka at nakikita mo ako dito, madalas lang akong lumalabas kapag kumakain talaga o kaya nag-wo-walking. Ito yung una naming binili, Mahablanka with pansit for 30 pesos. Sa tingin niyo worth it ba to? For me sa 30 pesos naman, okay na okay siya. Though hindi ka mabubusog sa pansit kasi nga konti lang rin talaga, parang dalawang subo lang yung pansit. Pero masarap naman, kulang lang siya ng mga gulay. Ang dala nga pala natin guys is 300 pesos na barya. At ano nga ba yung tawag sa inyo nito? Ito sa amin, tinopak. Bata pa lang ako, paboritong paborito ko na to. Sarap na sarap talaga ako diyan. Anong tawag sa inyo niyan? Namili kami ng dalawang ganyan tapos isang kakanin, 10 pesos each lang yun. Tinikman ko nga rin yung lumpiang isda nila at sa girlfriend ko naman yung lumpiang gulay. Yung lumpiang gulay, tig-20 pesos tatlo. Yung lumpiang isda naman is 9 pesos isa. Pagkatapos ko nga kumain noon, namili naman ako nitong 35 pesos na banana cue. Yes, masarap siya pero hindi ko yan naubos, sabi ko gusto ko malamig to kainin. Isa lang talaga yung kinain ko gawa ng kakain pa ako ng siomai sabi ko. Medyo nabubusog na nga ako sa mga part na to pero sarap na sarap pa rin ako kasi matamis at maalat. Dito may nagsasabi sa amin na kung vlogger daw ba kami. Sabi ko nag-do-document lang kami ng buhay, ng mga memories at sama daw sila. Nung sinama ko nga sila, nagulat sila kasi akala nila nag-di-joke lang ako. Dito nga pala ako laging bumibili ng siomai kasi masarap talaga yung siomai nila diyan. At nung bata nga ako naaalala ko na daanan namin to. Ito yung paborito ko nung bata ako, itong putok. Bumili rin ako niyan guys, hindi ko na naipakita sa inyo kung paano ko kinain, sa bahay ko na kinain. Pauwi na rin tayo at ang dami nating natirang pagkain. Makakita lang ako dito ng pandesal na malunggay, bibili talaga ako. Kung mapapansin niyo, nilalakad lang namin tong Castillejos kasi malapit lang rin naman talaga yung bahay namin. And itong mga time na to sobrang aga pa talaga at nakakakita nga tayo ng pandesal. Malapit na nga maubos yung 300 pesos nating barya, pero ang mahalaga busog tayo, nakapag-almusal tayo at nakain natin yung cravings natin. Sa mga ganitong pagkain, minsan masaya na talaga ako. Namili nga tayo dito ng 50 pesos na pandesal at hindi ko na nga alam kung magkano yung mga nagastos natin. Kaya niyo ba i-compute guys? Pagka-uwing pagka-uwi nga, chineck ko na agad yung social media ko kung sino yung mga gustong makipag-collab, mga messages at mga comments niyo. So yun lang pala yung ordinaryong araw natin na naging espesyal. See you tomorrow.
More breakout videos from this creator.