Hook
More breakout videos from this creator.
So, ayun na nga, nasa new location na tayo. Sabi ko gusto ko lang naman mag-intro eh. Pero tawan-tawa talaga ako dahil nga sa ginawa ng girlfriend ko. Kwento ko pala sa inyo kung ano yung nangyari bago kami mapunta dito sa new location natin. Napakaaga yung gising namin dito around 6:00 AM, pero nakape kami ng 7:00 AM. Buti nga gising na rin sila Limuel at nagluluto na rin sila ng almusal. Baka malito kayo guys, nandito pa rin tayo sa Camp Enoki, pero kung napapanood niyo na to ngayon, nasa ibang location na tayo. Pinatapos na namin yung outing nila dito at so far naging maayos at maganda naman yung kinalabasan. Naging masaya sila. Ako naman kasi hindi ako nag-inom at natulog lang rin kami ni Kaleya. Kung mapapansin niyo, sobrang sarap ng kinakain namin, eto yun: daing na bangus, fried rice, pansit, at marami pang iba. Dito nga hinintay lang namin na makauwi sila at nag-asikaso na rin kami. Sobrang excited ko nga sa new location na pupuntahan natin kasi nga malapit na yun sa dagat at almost exclusive na nga yung resort na yun. Pero hindi pa ako dito agad na mag-bihes. Pero dito naman sa Camp Enoki, talagang sulit din talaga yung bayan. Halos lahat naman ng pinupuntahan naming resort, mga staycation, hindi naman namin isasama sa video kung hindi maganda o hindi kami nakarelax. Ang nagustuhan ko nga dito sa Camp Enoki, yung pool nila laging pinapalitan niyan araw-araw at napaka-natural niyan, walang chlorine. Pinapalitan lang talaga at sulit na yung 5,000 pesos niyo dito kasi 25 to 20 pax na. Dalawang TP hat na aircon tapos puro tent na. Sana nga makabalik uli kami sa Camp Enoki para naman ma-enjoy uli namin siya. Pero bago ang lahat guys, samahan niyo muna ako, ilagay muna natin tong mga gamit sa kotse. Kung mapapansin niyo hirap na hirap talaga ako diyan kasi nga marami rin talaga kaming gamit. Tuloy-tuloy kasi yung staycation namin dito sa San Felipe, almost 5 days kami dito. Kaya nga kung taga-dito ka, eh naman tayo magkita, mag-bonding, basta good vibes lang. For sure matutuwa kayo sa susunod na pupuntahan natin kasi medyo malaki yun. Actually malaki talaga siya na resort. Sikat na sikat din yun dito sa San Felipe. Kaya ano pang hinihintay natin? Puntahan na natin yun. And alam niyo ba, sobrang na-stress ako dito sa biyahe kasi nga hindi namin alam kung ano yung uunahin namin kung mag-lunch ba kami o mag-check in muna o susunduin namin yung isang parating namin na bisita. Makikita niyo sa muka ko dito sa next clip, talagang stress na stress ako kasi nga nag-kandiligaw-ligaw na kami. Nung mag-check in nga kami, dito naman kami pinapadaan ni Google Maps. Sabi ko hindi tayo papasok dito hangga't hindi ko nakikita yung daanan. Kaya nilakad ko nga muna yung iskinitan para makita kung ano yung itsura o yung status ng lugar. And tama nga ako sa iniisip ko, malalim guys, negative tayo diyan. Lalabas na tayo ng highway para kumain muna at hintayin na rin natin yung isa nating kaibigan. Bago nga ang lahat sa dami-dami ng problema na nangyari, nag-pagas muna tayo kasi nga mauubusan na rin tayo ng gas. Lumabas nga muna tayo ng liliwa at napunta tayo dito sa highway at kumain tayo dito sa D-Iris. So far, okay naman yung ambiance dito, mabait yung mga staff, kaya shoutout talaga sa kanila. To be honest, gutom na gutom na tayo dito pero sabi ko hintayin na rin natin kasi medyo marami-rami rin yung in-order natin. Tamang kwentuhan nga muna kami ni Kaleya kung ano yung mga susunod naming pupuntahan. Kaya kung may alam kayo guys na pwede naming puntahan o may mai-recommend kayo o kaya pwede naming tikman ang mga pagkain, just comment down below. Sobrang dami nga naming na-order dito pero alam ko rin kasi na parating na rin yung kaibigan ko kaya sakto-sakto to. Habang wala pa nga yung kaibigan natin, talagang kumain na kami para naman busog na kami at mawala na yung gutom na nararamdaman naming kanina pa sa sobrang stress. Enjoy na enjoy ako dito sa pagkain at ayun na nga, dumating na nga si Arnes. Sobrang tagal ko na tong kaibigan, ngayon ko na lang rin nakasama. And after niya nga ring kumain, umalis na rin kami at nandito na tayo sa next location natin. Resort to sa San Felipe, kung alam mo, just comment down below. Umuulan man dito pero almost exclusive na kasi kaya nagustuhan din namin dito. So paano ba yan, sana naman ordinaryong araw yung naging espesyal. See you tomorrow at abangan niyo yung masasayang mangyayari dito bukas.