Hook
More breakout videos from this creator.
3 tips sa college para makagraduate kahit di ka matalino. Hindi ako ganun katalino pero pag-graduate na tayo and thank you Lord. Ito lang yung mga tip ko para kahit papano naman gumana yung buhay niyo sa college. Unang-una, maging masipag ka. Paano ba yung masipag? Kapag may mga requirements, maaga kang magpasa, gawin mo na mas maaga para marami ka pang spare time at hindi mo maranasan yung pagka-cram. At magsabay-sabay yung gawain, mahirap kasi yun. Sa college kasi iba yung task load diyan. Maraming teacher na kahit minor naman is grabe magpagawa ng mga kung ano-ano. May mga roleplay kung ano-ano pa. May mga sasauluhin ka lalo na sa law nung may law kami. Tapos number two naman is magkaroon ka ng mga kaibigan na maaasahan mo, hindi lang sa katarantaduhan. Maasahan mo pagdating sa acads, masipag din. Gusto rin magtapos, hindi lang puro katarantaduhan yung baon sa school, okay? Na kahit loko-loko sila, at least alam mo yun, may bitaw pagdating sa acads. Hindi man ganun katalino pero nandoon yung eagerness na maka-graduate. Kasi yun lang naman din yung kadalasan na pinanghahawakan ng mga estudyante na mga college student na makapagtapos lang kahit na hindi ganun kataas yung grade. Magkaroon ka kahit na papano ng mga kaibigan na ganun, yung gusto talagang gumraduate, okay? Kasi kayo-kayo lang rin yung magtutulungan doon. Pangatlo naman, ano ba yung ginawa kong pangatlo? Yun, pumasok ka lang araw-araw. Kasi may mga time na pag hindi ka talaga pumasok, is may mga makakaligtaan kang task, may mga makakaligtaan kang mga recitation and malaking bearing yun. Matindi yung impact nun sa overall grade mo kasi bihira lang pumasok ang ibang prof sa school. Minsan maraming, marami silang pinapasukan ganyan. Sunod-sunod minsan overtime pa pero may matatagpuan kang mga teacher na konti lang pinagawa pero kailangan magawa mo yun. Eh paano kung absentero ka? Nonsense din, wala din. Easy, easy na nga eh. Bonus round na nga yung sa teacher mong medyo tamad na hindi ganun pumapasok tapos wala ka pa. Tapos magrereklamo ka na, oh, hindi ka naman makapasok niyan sir eh. Hindi ka rin makapasok nun eh. Rest lang pala kayo.