Hook
More breakout videos from this creator.
Magandang araw mga kaFintech! Mga kaFintech 101. Mga kaFintech, ang tanong: AI artwork ba o isang artwork na ginawa ng isang AI o artificial intelligence ay pwedeng maging isang subject ng copyright? Tara, pag-usapan natin. Mga kaFintech, maari itong masagot ng dalawang kaso sa Estados Unidos. Una, ang kaso ng Thaler vs. Perlmutter. Kung saan sa kasong ito si Stephen Thaler ay lumikha ng isang AI system na tinawag niyang Creativity Machine, kung saan gumagawa ito ng isang artwork ng mag-isa na walang partisipasyon o malikhaing ang bag ng isang tao. Sinubukan itong iparehistro sa US Copyright Office, ngunit ito'y tinanggihan. Ayon sa korte, ang copyright law ng Estados Unidos ay para lamang sa tao at dapat meron itong human author. Sabi pa ng korte, human creativity is a fundamental requirement of copyright. Samantalang sa kaso ng Naruto versus Slater naman, isang unggoy na may pangalan na Naruto ang kumuha ng isang selfie gamit ang camera ng isang photographer. Isang animal rights group ang naghabol at nagsampa ng kaso kung saan ginigiit nito na ang unggoy na si Naruto ang dapat mag may-ari ng copyright ng larawan. Ngunit mga kaFintech, binasura ng korte sa kaparehong kadahilanan ng unang nabanggit na kaso, sapagkat wala itong tunay na tao bilang isang author. Sa makatuwid mga kaFintech, purely AI generated works are not copyrightable.