Hook
More breakout videos from this creator.
Magandang araw ulit mga kafintech. Madami ang nagtatanong kung may pananagutan ba ang e-wallet/e-payment system kung nawala na lang ang laman ng account? May pananagutan pa din ba ang isang e-wallet o isang electronic payment system katulad ng GCash o PayMaya kung biglang nawala o nalipat ang pera ninyong pera? Magiging depensa ba ng e-wallet o e-payment system na ito na naibigay mo ang iyong OTP o password? Kay wala silang anumang pananagutan? Tara mga kafintech, siyasatin natin at talakayin natin. Mga kafintech, hindi maituturing na walang pananagutan ang isang e-wallet operator o e-payment system sa ilalim ng ating consumer protection at electronic commerce principles. Hindi basta na lang ililipat sa user ang lahat ng risk kung may phishing o social engineering na nangyari, o may system weakness. May delayed fraud detection o may unusual transaction pattern na hindi na-flag. Dahil financial institutions, katulad ng bangko at iba pang saklaw alituntunin ng BSP o ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay magpapatupad ng tinatawag na extraordinary diligence. Pwede din natin itong gamitin, kaso, dinesisyunan ng Supreme Court. Sa kaso ng Banco de Oro Universal Bank, Inc. vs. Liza A. Seastres, kung saan unauthorized ATM withdrawals. Bangko kaya awtorisado pag-withdraw. Ngunit, Supreme Court are imbued with public interest. May highest degree of diligence sila na inaasahan sa isang banking institution. Proof of use, pin is not conclusive. Paggamit ng pin ay hindi awtomatikong nangangahulugan may pahintulot ang depositor. By presumption of fault against the bank dahil ang bangko ang may control sa ATM system. Dapat may patunayan na nagsagawa sila ng extraordinary diligence. Hanggang muli, ako ho si Atty. Aristotle Valera MPE, LLM, Founding Chairman, Philippine Assoc of Fintech Lawyers. Magandang araw po sa inyong lahat.