Hook
More breakout videos from this creator.
Ano nga ba ang metadata? At ano ang kahalagahan nito sa cybercrime investigation? Tara mga KaFintech, talakayin at siyasatin natin. Ang metadata ay masasabi nating data tungkol sa data. Ito ay mga impormasyon na nakapaloob sa isang digital file o komunikasyon na nagbibigay ng mga mahahalagang detalye katulad kung paano, kailan, saan, sino ang may akda o author nito, sino ang nagpadala at kanino pinadala ang isang digital file o mensahe. Halimbawa sa mga digital file na larawan o images, pinapakita nito ang petsa at oras ng kuha, lokasyon o GPS coordinates at model ng cellphone camera o kung ano mang gadget na ginamit. Sa social media naman o chat messages, naglalaman ito ng username ng nagpadala, oras at petsa ng post o mensahe, at device o browser na ginamit. Mahalaga ito sa cybercrime investigation para matukoy ang tunay o orihinal na pinagmulan ng isang file o mensahe at makilala ang tunay na may akda nito. Pinatutunayan din nito kung kailan at saan naganap ang isang aktibidad online, tulad ng pag-upload ng larawan o pagpadala ng email o mensahe. Sa pamamagitan ng metadata, maaari nating masundan at masubaybayan ang bawat galaw ng isang cyberkriminal. Ang metadata ay makakatulong din sa pagpapatunay na hindi nabago o na-edit ang isang digital file at sa pamamagitan nito, maaari itong iugnay sa isang device upang makilala ang may akda o kung sino man ang sangkot sa krimen na ito. Mga KaFintech, muli ako po si Atty. Aristotle Valera, ang inyong Pinoy Tech Lawyer, ang Chairman Emeritus ng Philippine Association of Fintech Lawyers, hanggang sa muling pagtalakay at pagsiyasat. Maraming salamat po, hanggang sa muli.