Hook
Ano nga ba ang Fintech? Ang Fintech ay pinaikling salita para sa Financial Technology. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapahusay, mapabilis o mapadali ang mga serbisyo at produkto sa pananalapi. Kabilang dito ang digital payments, online banking, e-wallets katulad ng GCash, Maya, cryptocurrency exchanges, mga lending apps, robo advisors at iba pa. Ayon sa mga eksperto ang pag-usbong ng Fintech o Financial Technology ay nahahati sa tatlong yugto. Ang unang yugto ay ang pag-digitize ng mga tradisyonal na salapi katulad ng paglitaw ng mga ATM cards noong 1950s at paglabas ng ATMs noong 1960s. Ang pagkilala sa SWIFT o ang Society for Worldwide Interbank Financial, isang international financial messaging network na naglalayong protektahan at gawing ligtas ang pagpapadala ng financial messages at money transfer. Ang ikalawang yugto ay ang pag-usbong ng internet at computer na naging dahilan ng pagkakaroon ng online banking at electronic payment system o EPS. At ang panghuli, ang kapanahunan natin ay ang pagkilala at paggamit ng smartphone at smartphone apps sa digital banking. Mga KaFintech, hanggang sa muli, ako ho si Atty. Aristotle Valera, ang inyong Pinoy Tech Lawyer, ang Chairman Emeritus ng Philippine Association of Fintech Lawyers, hanggang sa muling pagsusuri at pagtalakay. Maraming salamat po.
More breakout videos from this creator.