Hook
More breakout videos from this creator.
Ano nga ba ang Digital Inheritance? Mga KaFintech suriin at siyasatin natin. May mga artikulo online ang kumalat kung saan di umano ang tanyag na Hollywood actor na si Bruce Willis ay naglalayong idemanda ang iTunes kung saan hindi raw siya pinapayagang ipamana ang kanyang koleksyon ng iTunes sa kanyang mga anak. Bagamat ito ay kalaunang dineklarang fake news, naging usap-usapan ang isyu ng tinatawag nating digital inheritance. Ang mga digital assets katulad ng digital files o digital music files ay maaaring ipamana kung ito ay maituturing na isang uri ng property. Sa ibang bansa may mga test o panuntunan katulad ng Kremen test at Ainsworth test kung saan ang isang bagay bagamat intangible o hindi nakikita, nahahipo at nararamdaman ay pwedeng ituring na isang uri ng property. Ang Ainsworth test ay binalangkas sa kasong National Provincial Bank versus Ainsworth ng House of Lords sa United Kingdom at ito ang ginagamit ngayon na mga batayan sa mga common law countries sa Europa at ng Singapore kung saan kamakailan lamang sa kasong AA versus unknown person ang cryptocurrency ay dineklara na isang uri ng property. Sa Pilipinas ang depinisyon kung ano na ano ang property ay makikita natin sa Article 414 ng Civil Code kung saan lahat ng bagay na pwedeng i-appropriate ay maaari nating ituring na property. Ayon din sa mga eksperto sa batas sibil katulad ni Professor Tolentino at Justice Paras ang isang bagay ay maituturing na property kung ang mga katangiang utility o may gamit to satisfy human wants, substantiability or can exist independently at appropriability o pwedeng maging subject ng human relation. Kung ang lahat ng mga katangiang ito ay maipapasa ng isang digital file o digital asset ito ay maituturing nating property at kung ito ay isang property pwede itong ipamana. Mga KaFintech muli ako ang inyong Pinoy Tech Lawyer Atty. Aristotle Valera ang Chairman Emeritus ng Philippine Association of Fintech Lawyers hanggang sa muling pagtalakay at pagsusuri. Maraming salamat po hanggang sa muli.