Hook
More breakout videos from this creator.
Magandang araw ulit mga KaFintech. Mga KaFintech, tinalakay natin noong nakaraan kung ano yung tinatawag nating asset tokenization at bakit ito ginagawa. Ngunit ang tanong, ano nga ba ang proseso sa pag-tokenize ng isang asset o ari-arian? Tara, talakayin at siyasatin natin. Gaya ng mga nasambit natin at natalakay noong nakaraan, ang tokenization ay ang paghati-hati ng ownership ng isang ari-arian o bagay sa pamamagitan ng tokens upang magkaroon ng tinatawag nating fractional ownership. Nabanggit din natin na mahahalintulad ito sa isang shares of stocks ng isang kumpanya. Ang kaibahan lang naman ay hindi ownership ng kumpanya ang nirerepresent ng tokens kundi ownership ng isang partikular na asset o bagay. Para ma-tokenize ang isang asset, pagkatapos mabigyan ito ng value o partikular na halaga at upang maging divisible ito, kailangang maipasok ito sa isang tinatawag nating smart contract kung saan dito papasok ang blockchain technology. Ang smart contract ay isang self-executing program sa loob ng blockchain. Tatalakayin natin yan sa isang pagkakataon. Nasa smart contract na ito ang lahat ng detalye katulad ng sino ang may-ari ng token, bilang ng mga tokens at ang kabuuang supply o bilang nito, ang revenue distribution, mga karapatan ng token holders at iba pang kondisyon at limitasyon. Ang smart contract din ang magtatakda ng mga alituntunin alinsunod sa mga patakarang napagkasunduan. Ang susunod na proseso ay ang tinatawag nating minting o ang mismong paglikha ng tokens. May mga programa na ginagamit dito tulad ng Polygon, Solana, Ethereum at iba pa. Dito magkakaroon ng digital representation na meron ng specific value at rights ang isang asset o bagay. Ang susunod na mahalagang proseso ay ang distribution o listing ng tokens. Ito ang stage kung saan nagsisimula na ang investment at pwede nang ibenta ang mga tokens. Ginagawa ang pagbenta sa crowd funding platforms o public marketplaces. Ang huli ay regulatory compliance o pagsunod sa mga alituntunin o regulasyon ng mga government agencies. Mga KaFintech, muli, ako ho si Atty. Aristotle Valera, ang Chairman Emeritus ng Philippine Association of Fintech Lawyers, ang inyo pong Pinoy Tech Lawyer. Hanggang sa muling pagtalakay at pagsiyasat. Maraming salamat po.