Hook
More breakout videos from this creator.
Magandang araw mga KaFintech. Ngayon tatalakayin naman natin kung paano nakakatulong ang blockchain laban sa korupsyon. Isa sa mga katangian ng blockchain ay ang transparency, so magkakaroon ng transparency sa mga transaksyon. So ang bawat transaksyon sa blockchain ay nakarecord sa pampublikong ledger na maaaring makita ng lahat. Ibig sabihin ang paggastos ng gobyerno, kontrata o pondo ay pwedeng masubaybayan ng mga mamamayan o ng auditor. Halimbawa, kung may pondo para sa pagpapatayo ng paaralan, pwedeng makita ng publiko kung saan at paano ito ginamit. Pangalawa, hindi mabubura o mababago ang record. Ibig sabihin ito ay tamper-proof. Kapag nilagay na ang data o impormasyon sa blockchain, hindi na ito maaaring baguhin o burahin. Dahil dito mahirap para sa mga tiwaling opisyal na manipulahin o itago ang mga ilegal na transaksyon. Halimbawa, ang pekeng kontrata o binagong talaan ng gastos ay hindi agad malalaman dahil hindi ito tugma sa orihinal na record sa blockchain. Pangatlo, desentralisado ang sistema. Hindi tulad ng tradisyonal na sistema na kontrolado ng iisa lamang opisyal o tao, ang blockchain ay nakakalat sa maraming computer. Walang sinuman ang may kakayahang baguhin o itago ang datos o impormasyon ng palihim. Halimbawa, sa mga proyekto ng gobyerno, makikita ang lahat ng mga bid, kontrata at bayad ng sabay-sabay sa blockchain. Ang apat, meron itong tinatawag na smart contract. Sa blockchain mayroong smart contracts o mga digital na kasunduan, kusang gumagana ayon sa napagkasunduan. Hindi maisasagawa ang bayad o proyekto hangga't hindi natutupad ang mga kondisyon na nakasaad dito. Kaya dito mababawasan ang suhol o ang padrino system o yung pagpapabor sa isang kontrata o kontratista. Halimbawa, ang pondo para sa isang tulay ay otomatikong lalabas lamang kapag may ebidensya na ito ay nakumpleto na. Panglima, may pampublikong pananagutan. Ang mga mamamayan, mamamahayag at mga watchdog ay maaaring makakita ng malinaw na talaan na hindi na kailangan ng espesyal na pahintulot. Dahil dito magkakaroon ng kultura ng pananagutan dahil madaling matukoy at mailantad ang katiwalian. So ang buod nito, tinutulungan ng blockchain na labanan ang korupsyon sa pamamagitan ng transparency, tamper-proof na ledger o talaan, seguridad, desentralisasyon at beripikasyon ng datos. Kaya nawawala ang tuwang para sa panlilinlang at pagtatago ng katiwalian. Maraming salamat po, Atty. Aristotle Valera, Chairman Emeritus, Phil Assoc of Fintech Lawyers.