Hook
More breakout videos from this creator.
Magandang araw mga KaFintech. Ano nga ba ang CAPTCHA? Ano ang kahalagahan nito? Ano ang layunin nito at paano ito nalalaman kung ang isang user o taong gumagamit ay isang robot o isang tunay na tao? Tara mga KaFintech, talakayin at suriin natin. Ang CAPTCHA ay isang security test na ginagamit ng mga website upang makilala kung ang user o gumagamit ay tao o robot o bot. Ang salitang CAPTCHA ay isang acronym na nangangahulugang Completely Automated Public Turing test to tell Computers and Humans Apart. Ang layunin nito ay pigilan ang mga automated programs, mga bots na magsagawa ng masasamang gawain sa website gaya ng pagpapakalat ng spam sa mga forum o comments, paglikha ng libong pekeng accounts, at paghack ng o pagkuha ng pribadong impormasyon o data. Paano ito gumagana? Mga KaFintech, nagpapakita ang CAPTCHA ng mga simpleng pagsubok na madaling maintindihan ng tunay na tao, pero mahirap sa isang makina o bot. Tulad ng pagtype ng mga letrang nakabaluktot o malabo, pagpili ng mga larawan na may partikular na bagay katulad ng bus, ilaw, tindahan, at pagdrag ng slider o pagbuo ng isang puzzle. Kung tama ang sagot, pinapatuloy ng site ang iyong access. Ibig sabihin, ikaw ay napag-alamang tunay na tao at hindi robot. Kung mali naman o hindi makasagot, tinuturing ka bilang bot o kahina-hinalang user. Ano ba ang mga pamamaraan ng CAPTCHA upang malaman kung ang user ay isang tunay na tao o isang bot lamang? Una, ang mga robot ay may limitadong visual understanding. Ang mga lumang CAPTCHA ay nagpapakita ng mga letrang baluktot gaya ng nasabi ko kanina, malabo o nag-ooverlap para sa tao madali itong hulaan, pero sa bot mahirap ito dahil kailangan niyang maunawaan ang imahe tulad ng isang tao. Pangalawa, gumagamit ang CAPTCHA ng tinatawag na context understanding. Kapag sinabing piliin lahat ng larawan na may bus, ang tao ay naiintindihan kung ano ang bus, ano ang itsura nito, pero ang bot ay kailangang matutunan muna ang konsepto ng bus upang ito ay kanyang masagot. Isa rin sa ginagamit na pamamaraan ng CAPTCHA ay sinusukat nito ang bilis ng pagtype, galaw ng mouse, tagal ng pagclick. Sa kadahilanang ang mga kilos ng tao ay natural at pabago-bago habang ang bot naman ay sobrang consistent o sobrang bilis kaya madaling mapansin ang pagkakaiba. Hindi kayang gayahin ng robot ang human intuition. Ang tao ay may tinatawag na intuition o likas na pag-unawa kahit walang eksaktong patakaran. Halimbawa, kapag may puzzle o slider CAPTCHA, alam ng tao kung paano ayusin, pero ang robot ay kailangang matutunang ipredict ang bawat pixel o galaw kaya masyado itong kumplikado sa isang robot. Yan po ang CAPTCHA. Hanggang sa muli mga KaFintech. Ako ho si Attorney Aristotle Valera, Chairman Emeritus ng Philippine Association of Fintech Lawyers, ang iyong PinoyTech Lawyer. Maraming salamat po.