Hook
More breakout videos from this creator.
Ano nga ba ang Innovative Startup Act o ang Republic Act 11337? At ano ang layunin, polisiya, at kahalagahan nito? Tara, mga KaFintech, talakayin at siyasatin natin. Ang Innovative Startup Act ay isang batas na may layunin na tulungan at palakasin ang startup ecosystem sa Pilipinas. Ayon mismo sa Section 3 ng batas, maituturing na startup ang isang kumpanya o negosyo kung may layunin itong bumuo ng innovative product, process, or business model. Sa madaling salita, may mga katangian itong innovative, scalable, at repeatable business model. Pero, mga KaFintech, paano nga ba makikinabang ang mga startup businesses o entities sa batas na ito? May mga insentibo na nilalaan ang batas at gobyerno, katulad ang access sa pondo at grants katulad ng venture fund o startup grants. May mas mabilis na processing ng mga government permits, mentorship at networking, kasama na ang access sa mga accelerators at government innovation hubs at research facilities na makikita sa DOST o Department of Science and Technology, DICT at DTI. Ang batas din ay nagbibigay ng visa para sa mga foreign mentors at co-founders ng startups. Pero paano nga ba sumali dito? Mag-apply lang bilang startup sa mga programa ng DOST, DICT at DTI. Pwede ring magparehistro at sumangguni sa website sa Startup Philippines portal na makikita sa startup.gov.ph. Sundin lamang ang mga panuntunan at requirements na nakasaad dito. Mga KaFintech, muli, ako ho ang inyong Pinoy Tech Lawyer, Atty. Aristotle Valera, ang Chairman Emeritus ng Philippine Association of Fintech Lawyers. Hanggang sa muling pagsiyasat at pagtalakay. Hanggang sa muli ho, maraming salamat.