Hook
More breakout videos from this creator.
Magandang araw ulit mga KaFintech. Sa paglaganap at pagsikat ng artificial intelligence o AI ang tanong, ang paggamit ba ng Open AI ang creator at developer ng ChatGPT ng copyrighted materials sa pag train ng kanyang AI models katulad ng ChatGPT ay maituturing na paglabag sa copyright laws? Pwede ba na ituring na unauthorized reproduction at copyright infringement kung ang isang AI model katulad ng ChatGPT ay magmemorize ng copyrighted lyrics ng walang lisensya at may posibilidad ang paglabas ng eksaktong lyrics bilang output kung tinanong ng isang user? Saklaw ba ito ng tinatawag na text and data mining o TDM? Mga KaFintech ang mga isyu at tanong na mga ito ay sinagot noong November 11, 2025 ng Munich Regional Court sa Germany sa kasong GEMA vs Open AI. Ang GEMA ay isang collective management organization sa Alemanya o Germany ng mga composers at lyricists. Ngunit ano nga ba ang AI memorization at ano ang kaibahan nito sa tinatawag nating text and data mining o TDM? Ang text and data mining mga KaFintech o TDM ay isang legal at teknikal na proseso kung saan ang computer ay nag-aanalyze ng malaking data o text upang maghanap ng patterns, trends, structures o statistical relationship. Sa makatuwid binabasa nito at inaanalisa ang data o text upang matuto ng patterns at hindi upang gumawa ng kopya ng data. Sa batas ng European Union ang TDM ay pinapayagan kung may access o lisensyado ang mag-aaccess ng materyales at kung hindi lalabas ang orihinal na content. Samantala ang AI memorization ay nangyayari kapag ang AI model ay hindi lamang natututo ng patterns kundi may kapasidad itong maalala mismo ang text o content kung saan nagbibigay ito ng output ng eksakto sa orihinal na text o content. Sa madaling salita sa memorization iniimbak lang nito ang mga orihinal na data o content at nasasama ito sa paglabas ng output. Kung ihahambing natin ito sa isang estudyante sa text and data mining nag-aaral at nag-aanalisa ang estudyante. Samantala sa memorization naman nangongopya lang ang estudyante. Hindi tinanggap ng korte ang argumento ng Open AI na text and data mining lang ang kanilang ginagawa dahil may mga patunay na nilabas ang GEMA na may mga output ito ng halos eksakto sa lyrics ng kanta. Hindi na pattern learning ito kundi reproduction at ito ay labag sa copyright law sa Alemanya o Germany. Sa makatuwid sabi ng Unique Regional Court na ang AI training that results in memorization and regurgitation of protected content constitutes copyright relevant reproduction and requires a license. Sinabi din ng korte na pwede ang TDM dahil it does not permit the creation of a system that reproduces copyrighted text. Dahil memorization o may verbatim recall ang Open AI at hindi lang pattern learning ang nangyari maituturing na copyright infringement at paglabag sa copyright law ang pagtrain ng AI model ng Open AI. Yan lang po mga KaFintech. Sa muli ako po si Attorney Aristotle Valera, ang inyong Pinoy Tech Lawyer, ang Chairman Emeritus ng Philippine Association of Fintech Lawyers. Hanggang sa muling pagtalakay at pagsusuri. Maraming salamat po hanggang sa muli.