Hook
More breakout videos from this creator.
Magandang araw ulit. Ano nga ba ang tunnel problem sa A.I. ethics? Tara, suriin natin. Ang tunnel problem ay isang thought experiment o isang pagsusuri sa etika ng artificial intelligence o AI, kung saan binibigyan din nito ang mga polisiya, legal at moral issues sa paggamit ng artificial intelligence. Ang eksperimento na ito ay sumentro sa isang sitwasyon kung saan isang self-driving or autonomous car ay mabilis na papasok sa isang makipot at madilim na tunnel, kung saan may isang bata ang biglang nadapa habang tumatawid at nakaharang sa daanan. May dalawang option ang AI. Una, pagpapatuloy nito ang pagpasok sa tunnel, ngunit masasagasaan ang bata, samantalang titiyakin nito ang kaligtasan ng sakay nito. Ang pangalawang option, ililihis ang kotse at ibabangga sa pader, kung saan titiyakin ang kaligtasan ng bata, ngunit malalagay naman sa peligro ang sakay nito. Ang tanong, sino ang dapat unahin ng AI? Ang pasahero ba ang pedestrian, ang batang tao ba o ang mas nakakaraming buhay? Tama ba na ibase na lang sa algorithm o kung sino ang mas mataas ang potensyal na mabuhay ayon sa istatistika sa batas? Sino ang may pananagutan ang programmer ba, ang manufacturer, o ang may-ari ng kotse, o ang AI mismo? Mga KaFintech, habang lumalapit na ang realidad ng autonomous cars, kailangang pagdesisyunan kung sino ang dapat magtimon sa mga emergency situations, katulad nito. Anong algorithmic rules ang dapat isabatas? Sino ang dapat magtakda ng moral rules? Ang tunnel problem ay may kaakibat na tanong kung paano natin sisiguraduhin ang values na ituturo ng AI at kung ito ba ay tugma sa moralidad ng lipunan. Muli, ako ho si Atty. Aristotle Valera MPE, LLM, ang inyong Pinoy Tech Lawyer, ang Chairman Emeritus ng Philippine Assoc of Fintech Lawyers hanggang sa muling pagtalakay at pagsuri. Maraming salamat po!